"Hmmm... Ang bango nito."

"Pero ate, bilis-bilisan mo na. Mamaya niyan maging matandang dalaga ka na hahaha. Sayang genes natin ate. Kami nga ni Samara, nagpaplanong sundan si baby Margo eh." Masayang sabi pa niya sa akin. Buti pa sila ni Samara.

"Eh ang sungit niya. Pa-hard to get pa." Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Lalambot din yun ate. Malay mo type ka din niya."

"Walang name tong pabango Ate." Binigay naman niya sa akin. Inamoy ko naman iyon. Matapang ang amoy pero mabango. Napangisi naman ako ng makaisip ako ng ipapangalan sa pabango.

-

"Hi. Uhmm si--" Agad namang pinutol ng bestfriend ni Demi yung sasabihin ko.

"Si Demi? Nasa 2nd floor." Napakamot naman ako sa batok ko, mukhang alam na alam niya talaga yung pakay ko.

"Sige. Salamat." Isang ngiti at tango lang ang binigay niya sa akin.

Masayang umakyat naman ako sa 2nd floor, nilibot ko naman yung paningin ko. Maayos ang pagkakagawa nila. Pagkarating ko sa 2nd floor, hinanap ko si Demi.

Kumunot naman yung noo ko ng makita kong may nakaakbay na lalaki sa kanya. Eto namang si Demi, mukhang tuwang-tuwa pa at may pahampas-hampas pa sa balikat ng lalaki. Uy, selos ka noh? Sabat nanaman ng isip ko.

"Ehem... Hindi oras ng landian. Oras ng trabaho." Seryosong sabi ko sa kanilang dalawa nang makalapit ako sa kanila. Kaya naman napaalis yung pagkaka-akbay ng lalaki kay Demi at sabay silang humarap sa akin.

"Uy, Zai. Ikaw pala." Nainis naman ako ng makilala ko siya. Mas lalo akong nainis dahil umakbay nanaman siya kay Demi. Pakiramdam ko nakatingin sa akin si Demi pero hindi ko siya tinitignan man lang. Seryosong nakatingin lang ako kay Gio. Kababata namin si Gio, may gusto siya kay Demi.

"Si Demi nga pala. Bagay kami noh?" Nakangiting sabi pa niya. Gusto ko sana siyang sapakin eh.

"I know her. And no, hindi kayo bagay." Sabay hila ko kay Demi na halatang nagulat. Maging si Gio ay nagulat din.

"Hindi kayo bagay, dahil kami ang bagay. She's my girlfriend, so back off Gio the fuck boy" Fuck boy kasi si Gio at sex lang ang habol sa mga naging girlfriend niya. Magsasalita pa sana si Gio pero inunahan ko na siya.

"Alis na kami. Bye, Gio." Nakangising paalam ko sa kanya at hinila ko na si Demi.

"What was that?" Inis na tanong sa akin ni Demi pagkababa namin.

"What?" Balik tanong ko sa kanya.

"Talaga bang ipagkakalat mo na dito na girlfriend mo ako ha?"

"Eh ano naman?"

"Bakit ba kasi ako? Ang dami naman diyan eh. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang sumpa! Nagawa ko lang iyon para may pambayad ako ng tuition ko. Sorry kung hiniwalayan ka ng girlfriend mo nun. Sorry talaga dahil walang-wala ako ng time na yun."

"Kaya kung ako sayo wag na lang ako. Iba na lang ang i-girlfriend mo. Hindi naman kita kilala ng lubusan tsaka walang pagmamahal sa atin kung ako, kakakilala pa nga lang natin eh. Bakit mahal ba natin ang isa't-isa? Diba hindi naman." Parang biglang nanikip yung dibdib ko sa sinabi niya. Oo, mahal kita. Matagal na. Gusto ko sanang sabihin kaso parang may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ko masabi sa kanya.

"Si-sige. So-sorry. Siguro nga tama ka. Madami namang iba diyan eh." Ngumiti naman ako ng malungkot sa kanya. Ang sakit lang dahil parang pinagtatabuyan ako ng taong mahal ko.

"Pasensya ka na kung naabala pa kita. Sige, hindi na kita kukulitin pa. Mauna na ako." Tatalikod na sana ako pero humarap ulit ako sa kanya at inabot yung maliit na paper bag na hawak ko.

"Para sayo pala yan." Buti na lang at tinanggap niya iyon. Hindi ko na siya inantay pang magsalita dahil tumakbo na ako palayo sa kanya.

Napahawak naman ako sa dibdib ko pagkarating ko sa parking. Nakirot pa din ang aking puso. Napakuyom naman yung isa kong kamao. Galit na sinipa ko yung gulong ng kotse ko. Hindi ko ininda kahit masakit dahil namamanhid ang pakiramdam ko.

Bakit kasi siya pa? Ano susuko ka na lang? Mahal mo diba? Dapat hindi mo sukuan. Pero ayaw niya naman sa akin. Diba nga kapag mahal mo daw ang isang tao, mas mahalaga yung kasiyahan nila. Pero paano naman ang kasiyahan mo? Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil sa mga naiisip ko.

Kinuha ko naman agad yung cellphone ko tsaka tinawagan si Taylor.

"Yo! Zai, Whats up!" Bungad sa akin ni Taylor sa kabilang linya.

"Bar tayo."

"May problema ba?" Tanong niya. Saglit na natahimik ako.

"Okay. Sige. Magpapaalam lang ako sa asawa ko." Binaba ko agad yung phone ko. Buti pa yung bestfriend ko may sarili na ding pamilya.

Nagdrive na lang ako papuntang bar. Minsan lang ako uminom, kapag namoroblema ako.

Haaayyy! Pag-ibig nga naman oh.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiМесто, где живут истории. Откройте их для себя