LuRi-The Edited Version (2018)

Începe de la început
                                    

Maya-maya pa'y nagbell na, hudyat na patapos na magsisimula na ang first subject.

Pagpasok namin ng room, hinanap ko agad siya, pero wala akong makita ni anino niya. Napano kaya siya? Hindi naman siya pala-absent ah.

"My friend? Huy," Si Milky habang kinakaway ang kamay niya sa harap ng mukha ko. Natulala kasi ako saglit.

"H-ha? Oh?" Napapitlag ako, ano ba naman Raffy! Kakakain mo lang tapos far out ka na agad.

"Anong nangyari sayo? Tamlay ah." Pagtataka ni Milky, hindi ko naman pwedeng sabihin na hinahanap ko si Louis. Ilang araw na kasi siyang absent. Ang OA ko lang, para naman ako ang nagdidikta sa mga dapat niyang gawin.

"H-ha? Wala 'to, may iniisip lang." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagsasagot ng assignment ko. Ngayon ko lang naalalang may assignment ako, samantalang siya, di ko malimutan. Charing!

"Sinoo?!" May halong pang-aasar na tanong ni Prancheska.

"Wa—" Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi...

"Haha! Daya eh, halatang nagsisinungaling ka!" Pambabara ni Cassidy, kaloka to.

"Hahaha! Lumalaki yung butas ng ilong mo gerl." Asar ni Scarlett, letse 'to.

"Hin—"

"Good morning class." At dumating na nga ang teacher namin.

"Good morning Ma'am." Bati namin sa kanya.

Umupo na kami at nagdiscuss na si Ma'am.

Pagkahapon ay napagpasyahan naming pumunta sa Internet café. Gagawa kasi kami ng assignment.

Anyway, before I forgot. Louis is one of my close friends at parang best friend na rin pero kami yung tipong parang aso't pusa. Ewan ko ba, di ko alam ba't biglang naging ganon.

"Ate, limang units. Yung
magkakatabi tas open time." Sabi ni Prancheska sa attendant.

"Walang magkatabi miss, scattered talaga kayo ngayon." Sabi ng attendant.

Ano pa nga bang magagawa namin, wala. Umupo na kami at nagsimula na. Rak na this!

Tab1 - Facebook

Tab2 - Twitter

Tab3 - Youtube

Tab4 - Wattpad

No tab for the assignments. Oha, ganyan kami mag-internet, kunwari gagawin ang assignments eh. Napaka-stupident eh!

Makapagpost nga.

————————————————
I MISS YOU OY! <3

Just now
Like • React • Comment • Share
————————————————

————————————————
Comments
👩🏻 Prancheska Althea Friego: Hala, sinetch itey?

🙋🏻‍♂️ Xander Louis Javier: Are you refering to me? Haha

👩🏻‍💻 Cassidy Eureka Delavega: OMG! Namiss mo si Louis, crush mo 'no? Ayi.

👸🏻 Milky France Rivera: Hala my friend, ba't hindi mo sinabi sa amm? Daya!

💁🏻Scarlett Miah Seyo: Onga, kaya naman pala matamlay ka kanina eh. Hehe
————————————————

OMG! Nakalimutan ko nga pala, may mga kaibigan nga pala akong etchoserang frogs. Huhuhu

My Classmate, My LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum