Chapter 7: Exchange Gifts

Magsimula sa umpisa
                                    

"Speaking of... Pasok na tayo. Nag-hihintay na siguro si Tribal ng mga regalo niya." I said then stood up. Hinila ko na rin patayo si Bench kasi ayaw pa niyang pumasok. Kulit talaga. Hehe.

At exact midnight, nag-tipon tipon kaming lahat ng mga tao dito sa bahay para mag-celebrate ng Christmas. Inabot ko na sa mga kasama namin dito sa bahay ang kanilang mga Christmas bonus galing sa parents ko. Tumawag rin ako syempre kina Daddy at Mommy para batiin sila ng Merry Christmas. I told them na ipapadala na lang namin yung mga gifts sa kanila. Kinausap din naman nila sa phone sina Xave at Tribal.

Haaayyy. Isa pa nga pala iyon sa dapat kong problemahin... Paano ko ipapaliwanag sa parents ko na si Bench ang daddy ni Tribal? They really like Xave for me.  (__ __)"

Bench, Xave, Tribal and I are now hanging out in the living room kung saan rin naka-pwesto yung Christmas tree namin. Pinapanuod lang namin yung pagpapalit nito ng mga ilaw habang nakikinig sa mga Christmas songs na nagpe-play sa stereo. Yung mga maids naman namin ay kasalukuyang nagpapakasarap sa Noche Buena sa dining. We're still full from the BBQ party kaya inutusan ko na sila na kainin yung mga hinanda nila for us. Naririnig namin yung ingay nila dito. I'm glad that they're having fun. :)

"Here's my gift for you, baby~ Merry Christmas!!! ^___^" katabi ko si Tribal at inabot ko na sa kanya yung regalo niya. Excited na excited naman niyang pinunit ang gift wrapper at binuksan ang kahon.

"Waaaa! It's the same as the one you gave me every year, Mommy!! ^O^" He exclaimed. He pulled out the knitted red beanie from the box and wore it on his head. "I love it, Mommy~ Thank youuuuuu!!~" then he rose from his seat to give me a kiss and hug.

Every year, I give specially hand-made or customized gifts to Tribal. Last year, I gave him a knitted gloves with matching socks, then the other year, scarf naman yung binigay ko. Kagaya nung binigay ko dati kay Bench, I also knit for Tribal. Ngayon, red beanie naman ang ginawa ko for him. :)

"Ito naman ang gift sayo ni Daddy, Tribal..." tapos, binigay ni Xave yung regalo niya-- isa itong maliit at pahabang dark blue na box na may ribbon sa top. Ngiting- ngiti si Tribal nang makita niya ang laman nito.

"It's a bracelet!" makikita mo ang saya sa mukha ni Tribal. Kinuha ni Xave yung bracelet at inilagay ito sa maliit na braso ng bata. I noticed that the bracelet is quite different but almost the same dun sa binigay ni Bench kay Tribal noon.

"You lost the one that Tito Bench gave you. Ito na lang ang kapalit nun, okay? Galing rin naman ito sa jewelry line na in-endorse ng Tito Bench mo e." explain ni Xave kay Tribal. Ngumiti si Tribal but somehow, pakiramdam ko may gumugulo sa bata.

"Okay! Ako naman yung mag-bibigay ng regalo kay Tribal!" Full of energy na announced ni Bench at pagkatapos ay may inilabas na malaking regalo na nakabalot mula sa likod ng inuupuan niyang sofa.

"Wow!!~ Ang laki naman ng gift ni Tito Bench kay Tribal!" kunwaring amazed na sabi ko para mas ma-excite yung bata. Pero ano naman kaya iyong regalo ni Bench? (~~)?

SBMBG Book 3: Skater and Ballerina: Together Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon