Hindi ka na niya Gusto

120 4 0
                                        


Tama na ang kahibangan mo gumising ka sa mga pagnanasa mo Gumising ka sa mga pagpapantasya mo Gumising ka sa katotohanang hindi ka nya gusto at kailanma'y Hindi sya magkakagusto sayo Tama na pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa umpisa palang ng laban mo alam mo na ika'y talo Hindi ka nya magugustuhan dahil kahit na pagbalikbaliktarin mo man ang mundo Hindi ikaw ang kanyang gusto sinasaktan mo lang ang sarili mo.

Hindi kanya gusto dahil kung gusto ka nya rereplyan nya ang mga mensahe mo kung gusto ka nya Hindi ka dapat gabi gabing nagiisip kung may pake ba sya sayo.
Tama na ipahinga mo na ang isip mo na palagi nya nalang ginugulo.
Paulit ulit Kong sasabihin sayo Hindi ka niya gusto! Kaya isarado mo na ang baul ng inyong nakaraan na kakaunti lang naman ang laman ngunit palagi mong binubuksan kahit na ang dulot lang sayo ay kalungkutan.
Tama na kaibigan alisin mona sa isip mo ang pag aalala sakanya dahil uulitin ko sayo Hindi ka nya gusto at kailan man hindi sya magkakagusto sayo.

MiLeSWhere stories live. Discover now