Story of Trina

13 1 0
                                        

Broken Happy Ever After
(Miguel)

Wala ni isa man sa mundong ating ginagalawan ang di pa umiiyak. Sa paglabas palang natin sa sinapupunan ng ating mga ina. Pero bakit naman galon-galon ang akin? Quotang-quota naman ako. Pinaglihi ba ako o ikinambal sa pag-iyak?

Di lang nung bata ako madalas umiyak. Sa pag-agaw ng aking mga laruan. Sa di pagsama sa akin ni Mama sa kung saan man siya pumunta. Sa di pagdadala ng pasalubong di tatay. Sa utos lagi ni ate. At sa laging pagdapa. Mga bagay na napakababaw lang pala kapag nasa tama kanang pag-iisip. Mga bagay na babalewalain mo lang dahil habang tumatanda at nagkakaedad ka, don mo malalaman ang tunay at halata ng pag-iyak.

Ako si Trina. Trina na ang anak, ngunit walang mga ama. Oo, mga ama. Panganay kasi lahat sila. Sila ang masasabi kong consequences sa mga curiousity sa aking pagdadalaga na di na nadala. Sina Cyrus, Cymon at Chescka. Mga angel sa akin ay ibinigay. Buong puso kong tinanggap ngunit. Masakit man sa loob, sila ang nagpapaalala ng mga bagay na nais kong iwaglit sa aking isipan.

Sa mga ngiti ni Cyrus ko naalala si Miguel. Si Miguel na aking kaklase nang college. Pero hindi naman talaga si Miguel ang ama niya. Siya lang ang naalala kong gumamit sa akin ng mga gabing iyon. Sa sobrang dami nila. Si Miguel ang natatanging gusto ko sa mga nakapalibot sa akin. Siya ang pinapangarap ko nang mga sandaling iyon. Ngunit di akalain ang mga pangyayaring naganap ng mga oras na yon.

Alak. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na natikman ko iyon. Dahil wala kaming pasok pagka hapon naisipan nina Rose at Julia na gumala. Ako naman. Go lang. Di pa kami nakakalabas ng paaralan e nakasalubong namin ang grupo nina Miguel. Siya ang ultimate crush ko. Nung tipong pagtinignan ka niya eh parang hinuhubaran kana. Kalagkit ng tingin. Parang kung saang banda kaniya niyayaya.

Lumapit sa amin si Cedric, kaibigan nya. Agad yaya sa tambayan daw nila. Alam na alam nina Rose at Julia ang lugar na ito dahil di lang ito ang kauna-unahan nilang yaya sa kanila. Dahil nagtitiwala ako sa mga kaibigan ko. Go lang.

Isinakay kami nina Miguel sa kanyang kotse. Habang mga kasama niya ay sa isang sasakyan. Pito silang magkakasama. Bale ako sa harap tapos sina Julia at Rose sa likod kasama si Cedric. Yung iba nilang kagrupo ay bumili ng maiinom.

Kinakamabahan at excited ako. Kaba dahil anong mangyayari pagkatapos. Excited dahil makakasama ko ang ulitimate crush ko.

Parang sanay na ang lahat sa gantong sitwasyon. Alam na nila ang kanilang mga gagawin. Pero doon sa sulok naka tanga. Nilapitan ako ni Renz, isa sa mga kasama niya. Niyaya niya ako sa isang banda ng gusali. Nagulat ako at itinulak ng takot na pumunta kina Julia.

Kabangkaba ako dahil diko alam ang gusto niyang sabihin. Nagwalang bahala nalang ako.

Sinimulan ang ikot ng baso. Sa tantsa ko di mo ito malulunok ng misanan. Malamig. Mapait. Parang ayaw ilunok ng lalamunan ko. Pagkababa ng baso ay kumuha ng isang dakot ng chitchiria para mapawi ang lasa ng alak.

Alas-sais na. Kagat na ng dilim ang ilang panig ng langit. Sandaling napaalam dahil sa tawag ng kalikasan. Alam ko sa sarili ko maayos ako. Ngunit parang idinuduyan ako sa aking paglakad patungo sa palikuran. Di ko namalang sumunod si Josh. Paglabas ng banyo ay kinabig niya ako. Napatangay dahil parang wala akong kontrol sa aking katawan.

Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay na dumampi sa aking pisngi. Inangat niya ang aking mukha. Idinikit sa aking labi ang kanyang mga labi. Mainit. Mapusok. Madamdamin. Para bang itinulak ng aking katawan ang kanyang katawan ngunit di ito makawala sa kanyang kadenang kamay. Pinipilit kong simigaw upang humingi ng tulong pero bakit di ko makaya. Sumubsob ang aking katawan sa kanya. Dahilan upang akoy kanyang maibuhat. Nakita ko si Miguel patungo sa aming kinalalagyan at bigla na lamang akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa pag-uga ng aking mundo. Mabigat. May nakapatong. Iminulat at aking mga mga mata. Si Renz, ang kanina pa masama ang tingin sa akin. Wala akong magawa. Wala akong lakas. Di ko makita ang mga tao. Kami lang dalawa.

Nasaan ang mga kaibigan ko?

STORY OF TRINAStories to obsess over. Discover now