"Can you believe this? This amatron looks completely normal." The man in my left said. What the hell is an amatron?

"Isa sa pinakamalalakas, pero tignan mo. Sa likod ng napakaamo niyang mukha, 'di mo aakalain siya ang may hawak ng kapalaran ng lahat." Dagdag pa ng isa, mas kumunot ang aking noo sa naririnig.

"Y-you got the wrong person." Tumigil sa paglalakad ang dalawang lalaki. May humawak sa aking panga at ramdam ko ang kaniyang hininga. You're just putting your life in great fucking danger, Amaris. Damn it.

"So, you are saying that you're not an amatron?" Saad ng lalaking nakahawak sa aking panga, nagtagis-bagang ako dito.

"Well definitely, yes! I don't even fucking know what's an amatron!" Sigaw ko dito.

"Non-sense." Sabat nito't hinawakan na ko muli sa braso't nagpatuloy sa paglalakad. It was a very long walk from the room where I was chained to their laboratory. Nang bitiwan ako ng dalawang lalaki, ramdam ko nakahiga na ako sa isang bakal na lamesa, iginapos ng mga ito ang aking mga kamay at paa, 'saka nila tinanggal ang aking nasa mata.

"N-nasaan ako ngayon, ano pakay niyo sa akin?" Halata sa boses ko ang panghihina.

"Nakakapanghinayang nga naman talaga kapag sa isang walang-kwenta napunta ang isa sa mga cursed ability—"

"H-hindi ko alam ang sinasabi niyo, w-wala akong cursed ability!" Pagputol ko sa kaniyang sinasabi.

The guy infront of me smirked, "Ang tagapag-bantay na ang bahala sa'yo." At lumabas na ang dalawa sa silid na kinaroroonan ko.

Iginala ko ang aking tingin sa kwarto, napakalawak. Walang tao ngayon sa laboratory kundi ako lang. Pinagmasdan ang paligid, sa kaliwa, makikita ang isang mahabang table na gawa sa bakal at may katabi itong container na mas matangkad sa akin, may laman itong mga laboratory tools. Nakalatag din ang mga panghalo, kutsilyo at kung ano-ano pang ginamit sa mga pagtetest sa mga nakalalasong kemikal sa lamesa.

"Masyado ba akong matagal, Miss Evans?"

Natigilan ako ng marinig ko ang boses na nanggagaling mula sa likod.

"Nasaan na ang tapang mo, Amaris?"

Ang pamilyar ng boses, narinig ko na ito noon.

Isang halakhak ang kaniyang pinakawalan, nakakabinging halakhak na nag-eecho sa loob ng puting kwarto.

Kilala ko ang boses na 'to. Onti-onti akong lumingon sa kaniya.

Hindi ako maaaring magkamali.

"AMARIS!"

"GUMISING KA, AMARIS!"

I stopped for a moment, dahil sa boses na aking narinig.

Dion.

Nakaramdam ako ng biglaang pagkahilo, tumingala ako't pakiramdam ko'y naikot ang buong paligid. What the heck is happening.

Onti-onting lumalabo ang aking paningin, my vision is hazy and I can't think clearly.

"AMARIS!"

The Stars Are Watching Us TonightWhere stories live. Discover now