"Althea sana hindi ka na lang ulit nagpakita. Ginugulo mo ang puso at isipan ko."

Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya dahan-dahan akong kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin Jade?"

"Hindi ako sure sa nararamdaman ko pero masaya ako kapag nakakasama kita."

Gosh! Naiiyak ako sa sobrang tuwa. May pag-asa ako sa kanya? Oh yes! May pag-asa ako. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero ayoko namang magmukhang tanga sa harapan niya. "T-talaga? O-okay hindi kita mamadaliin Jade. Pero ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Trust me Jade sobrang mahal kita. Wala akong ibang pinangarap kundi ang mahalin mo rin ako."

Titig na titig siya sa mga mata ko na parang binabasa ang buong pagkatao ko. "Hindi naman siguro ako magpapahalik sayo kung wala akong nararamdaman para sayo." Sandaling nag-iwas siya sa akin ng tingin bago ulit tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Nabitin ako sa ginawa mo kanina. K-kaya.. kaya ako nagkaganon."

Pilyang napangiti ako. "Pwede pa naman nating ituloy kung gusto mo."

Hinampas ko siya ng bahagya sa braso niya habang natatawa. "Sira! Iuwi mo na lang ako sa min. Maaga akong aalis bukas."

"Kasama mo naman ang PJ na yon?" I frowned that makes her giggled.

"Bago ka magselos diyan alamin mo muna kung sino."

"Eh sino pa ba? Siya naman palagi ang nagrerequest sayo."


Jade's POV

"Hindi lang naman siya ang client ko. Marami pang iba Althea. Tomorrow I'll be with Liza." Nanlaki ang mga mata niya. Teka akala ko ba hindi siya updated sa mga showbiz personality? Bakit parang kilala niya si Liza Soberano? "So kilala mo siya?"

Tumango siya sa akin habang nangingiti. "Nameet ko na siya sa Hospital. When I was going to visit Jak 10 days ago I think." Yeah her ex boyfriend na doctor. "May dinalaw naman siyang kamag-anak sa loob."

"So pano mo nga siya nakilala?" May nahihimigan ako sa kanya na hindi maganda. Sa tinging ipinupukol ko sa kanya ay parang gusto ko siyang balatan ng buhay.

"Napansin ko kasing may mga staff na nagpapapicture sa kanya. So nilapitan ko siya. Eh siyempre kilala ako ng mga empleyado na isa akong Galves kaya nag-alisan sila." Napahalukipkip ako ng mga braso ko habang nakikinig sa kwento niya. "Then I asked her directly kung bakit pinagkakagulahan siya ng mga staff."

Medyo nakaramdam ako ng inis dahil parang kinikilig siya pagkukwento. Kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "So anong isinagot niya sayo?"

"Teka lang mahal ko. Bakit parang galit ka?" Takang tanong naman niya sa akin.

"Hindi noh! I'm just curious. Now tell me, ano ang isinagot niya?"

"Ayon nagpakilala siya sa akin na isa nga daw siyang artista. Tapos nagsorry pa siya. Parang natural lang sa kanya ang pagiging mabait off cam."

"So nagagandahan ka sa kanya?"

"Oo.. maganda naman talaga siya." Nangingiti niyang tugon. Bwisit! Napipikon na talaga ako sa kanya.

"Crush mo siya kung ganon?" Seryoso kong tanong sa kanya. Ngunit bigla na lang niya akong tinawanan.

"Sorry.. sorry mahal ko. Natawa lang talaga ako. Kanina kasi ako itong nagseselos pero parang biglang nabaligtad yata?"

"At sinong may sabi sayong nagseselos ako? Kapal mo rin Althea!"  Naiinis kong angil sa kanya. "Kung gusto mo.. siya na lang ang ligawan mo. Ilalakad pa kita."

Ay bwisit talaga! Parang natawa pa siya. Hindi naman yon joke. Sarap niya lang sakalin. Nanggigigil na ako sa kanya.

"Oh sige magpapalakad ako sayo pero.. " Pabitin pa niyang sabi. "Pero hindi sa kanya kundi diyan sa puso mo."

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now