tunog ng kahirapan

19 1 0
                                        

patak ng gripong naghihingalo sa tubig

patay sindi't mala christmas light na ilaw

talak dahil sa nasusunog na sinaing ni inay

sabayan pa ng walang tigil na iyak ni tinay

yabag ng mga paang naghahabulan

kung hindi mga musmos na naglalaro ng tagu-taguan

maaaring mga tambay sa kanto na tiyak nagkapikunan

o kaya'y magkapitbahay na nagkakasingilan ng utang

pagtipa ni utoy sa kalawangin at hiram sa kapitbahay na gitara

kalansing ng mga baryang sinusungkit sa alkansya pambili ng yosi ni ama

hilik ni Kuya Paeng na lango sa alak

ugong ng bentilador na pilit pinapawi ang mga pawis na tumatagaktak


o, Diyos ko!

wala na bang ikalulugmok pa?

puso't isipa'y manhid na

sa kahirapang tila karayom na tumutusok sa bawat parte ng katawang lantang gulay kakakayod






randomnessWhere stories live. Discover now