I

10 0 0
                                        

I.


“Pa, bukas na alis mo papuntang Japan diba?”


“Oo anak bakit?”


“Papa mami-miss kita” maiyak-iyak kong sabi sakanya.


Linagay ko muna yung kutsara at tinidor ko sa plato at lumapit kay papa upang bigyan ito ng isang mahigpit na yakap. Mami-miss ko si papa, sobra. Close na close kasi kami ni papa. Pinagtutulungan nga naming asarin si Mama na mataba siya. Naglalaro kami ng chess kapag wala akong pasok. Marami ding pagkakataon na pumunta sa paaralan na pinapasukan ko si papa dahil may nanbully sa akin. Halata bang papa's girl ako? 


Yinakap din ako ni papa pabalik, "6 months lang naman ako dun anak. Hindi isa, dalawa, tatlo o kahit ilan pang taon ako magtratrabaho dun” 


“Eh papa, kahit naman isang buwan o dalawang buwan ka lang magtratrabaho dun eh mami-miss padin kita saka papa, di mo ba ako mamimiss?" sabi ko sabay pout


Napatawa ng bahagya si papa sa inasal ko “Sabi ko na nga ba't gusto mo lang ng lambing ko eh.”


Tumayo naman ako at lumapit kay papa. Hinug ako ng papa ng kay higpit. Mamimiss ko 'tong mga yakap nya sa akin.


“P-papa, hindi na ako makahinga.” 


“Grabe ka naman anak, hindi naman mahigpit yung pagkakayakap ko sa’yo ah?” sabay kalas nya mula sa pagkakayakap at tumingin sa akin.


“Joke lang papa. Pero papa, mami-miss kita, mag-iingat ka dun ah? ‘Wag kang mambababae. Pinky Promise?” sabay pout ko


“Haynako ang anak ko talaga. Oh sige pinky promise” nag promise sign pa si papa sa akin.


“Eh papa hindi naman ganun yun eh. Ico-cross mo lang 'yong pinky finger mo sa makakapinky promise mo”


“Oh sige, paano ba ‘yang pinky promise mo na ‘yan, ha?” 


Kinuha ko kamay ni papa at pinag-cross yung pinky hand naming dalawa. 


“’Yan po papa, pinky promise.” Sabi ko at nagsmile sakanya


Nagsmile din si papa pabalik. “Nako halika nga dito.” Lumapit naman ako sakanya ng kaunti at nagsmile. Hinug ako ni papa ulit. Nako si papa talaga, gusto nya din ata ng lambing ng maganda nyang anak. “Mami-miss din kita anak sobra. Kahit nasa daan palang ako papuntang airport mami-miss na kita” Nagyakapan lang kami doon at ninanamnam ang pagkakataon hanggang sa may nagsalita sa may likod namin.


“Nako ang mag-ama ko ang dadaya, bakit kayo lang ang nagyayakapan dyan, ha?”


“Halika ka nga dito Joy. Nako mami-miss din kita.” Kumalas si papa mula sa pagkakayakap sa akin tsaka tumayo at lumapit kay mama at yinakap ito. Hinahalikan ni papa ang buong mukha ni mama habang si mama naman ay humahagikhik.


"Ehem" pagpepekeng ubo ko. “PDA ma, pa, baka makita kayo ni bunsoy sige kayo”


“Halika ka nga din dito anak.” Lumapit naman ako kina mama at papa sabay sabing “Group Hugggggg everyyyyoneee!” yinakap namin ang isa’t-isa. Naiiyak ako, first time kong malayo kay papa. Wala na akong kasamang kalaro sa chess. Wala na akong kasamang manood ng NBA. Ako nalang mag-isa ang mang-aasar kay mama na mataba siya. Ayoko siyang umalis kaso kailangan, para din naman sa kinabukasan ng pamilya namin ito.

 
“Mami-miss ko ang reyna at prinsesa ng buhay ko” sabay halik ni papa sa mga noo naming ni mama.


“Nako nako ‘wag na tayong magdrama dito. Wag nating pinaghihintay ang grasya nako. Kain na” Sabi ni mama habang pinupunasan ang luha niya.


“’Wag daw magdrama, eh ikaw nga dyan mama eh umiiyak na.”


“Hanggang ngayon pa naman Joy, uhugin ka parin?” biro ni papa kay mama


“Mamaya nalang kayo mang-asar at tayo’y kumain na”


Natawa nalang kami ni papa sa sinabi ni Mama. Bumalik ako sa upuan ko at nagsimula ng kumain. Mami-miss ko ‘to, yung masaya kaming kumakain sa hapagkainan. Yung hindi namin iniisip kung ano ang mangyayari kinabukasan. 


Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagsalita ako, “Papa pwede po bang sumama bukas sa paghatid sa'yo papuntang airport? Please? Please?” Tumingin muna si papa kay mama. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata nila. Parang may sinasabi sila sa isa’t-isa at huwag nyo na alamin dahil kahit ako ay hindi alam kung ano ang pinag-uusapan nila.


Naghihintay lang ako sakanila kung papayagan ba nila ako. Gusto kong ihatid si papa sa airport. Mami-miss ko si papa, gusto ko kasi syang mayakap bago siya sumakay sa eroplano. Tumikhim muna si mama bago magsalita. “Eh anak diba may pasok ka bukas?”


“Eh mama after recess nalang po ako papasok, please?”


“Eh kasi Hope-“


“Mama, please? Tsaka wala naman kaming importanteng gagawin sa 1st and 2nd subject namin eh”


“Joy payagan mo na ‘tong bibwit na ‘to at nang matahimik na tsaka huling pagkikita na naman namin bukas, wag mo naman sanang ipagkait sa anak natin ‘yon” saad ni papa kay mama sabay kindat sa akin. Alam kasi ni papa na hindi papayag si mama. Ayaw kasi ni mama na uma-absent ako sa school bukod nalang kung may lagnat ako o may importanteng okasyon na kailangan talaga ang presensya ng aming pamilya. Natawa ako sa ginawa ni papa. ‘Tong si papa talaga di na nagbago. “Oh sige sige pumapayag na ako, basta ikaw Hope ah? Kapag nalaman kung may bagsak ka kahit sa isang subject mo lang, patay ka talaga sa akin.”


Natuwa naman ako sa sinabi ni Mama. Imposible naman yatang mabagsak ako sa isang subject ko eh gabi-gabi kaya akong nag-aaral. Ayaw kong madisappoint si mama sa akin. “Hinding-hindi mangyayari yun mama, promise! Tsaka salamat mama! Kaya mahal na mahal kita eh” sabay lapit ko sakanya at yinakap sya.


“Sinasabi mo lang naman ‘yan kapag pinapayagan kita eh” saad ni mama sabay pout din, ang cute lang ni mama. “’wag ka ngang magpout mama mas lalo kang pumapangit eh” at dahil dun sa sinabi ko ay lalo pa syang nagpout. “Mahal na mahal kita mama, sa maniwala ka’t sa hindi, promise, cross my heart pero ayaw ko pa mamatay!” sabay promise sign ko.


Tumawa si mama sa sinabi ko “Diba anak, cross my heart hope to die yun?”


“Eh mama ayaw ko pang mamatay eh tsaka may pangarap pa kaya ako sa buhay! Gusto mo isa-isahin ko pa yun mama?”


“At hindi ako makakapayag anak na mawala ka sa buhay namin ng papa mo anak pati si bunsoy. Haynako ‘wag na nga natin pag-usapan ‘yan, kinikilabutan ako eh! At ‘wag mo na isa-isahin ‘yang mga pangarap mo sa buhay, baka abutin tayo ng siyam-siyam nyan. Ang mabuti pa anak kumain kana dyan! Ang daldal mo anak!"


“Nagmana sa’yo mama! Love you ma” at binigyan ko pa siya ng isang yakap. Yinakap naman ako ni mama pabalik at sinabing “love you too anak. Ayy oo nga pala, yung mga damit mo ipasok mo na sa cabinet mo, baka kasi tumae na naman dun yung pusa ni bunsoy” napakalas naman ako mula sa pagkakayakap kay mama habang nanlalaki ang aking mga mata.


“Pinapasok mo sa kwarto ko yung pusa mama?!”


“Aba’y hindi ko alam, anak. Tignan mo muna dun” Napatakbo naman ako papunta sa kwarto ko. Nung nasa hagdan na ako ay halos madapa ako. Narinig ko pa nga si mama na sinabing magdahan-dahan daw ako. Bwiset na pusa ‘yan, kapag talaga tumae sya sa dun sa mga damit ko patay sa akin yun. Nung nasa pintuan na ako ng kwarto ko ay binuksan ko yun agad at ang unang bumungad sa akin ay ang pusang nakahiga sa mga damit ko. Napapikit naman ako sa inis at naikuyom ko ang aking kamao nung nakita ko yun.


“Meow” saad ng pusa.

 
Meow mo ‘yang mukha mo! Patay ka talaga sa aking pusa ka!







++++++++++
'til next time.























You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

This I Promise YouWhere stories live. Discover now