TLS 15 // Stay With Me

Start from the beginning
                                    

Billy: Vice! Vice teka lang! --- Sabi ni Billy habang hinahabol si Vice na mabilis na naglalakad papasok ng bahay niya.

Pagpasok sa bahay, nagulat nalang ang mga beks sa nakita at walang ibang nagawa kundi sundan ng tingin ang dalawang magkaibigang parehong nagmamadaling naglalakad.

Vice: Billy naman, bakit naman hindi mo sinabi sa aking ganito pala! --- Galit niyang sabi at binuksan ang kwarto niya at agad kinuha ang isang maleta. Puta Billy boyfriend ako ni Karylle! I had the right to know! 

Billy: Vice she didn't want you to know..ayaw niyang maging pabigat sa'yo, nung una ayaw naming ganun pero she promised Vice. She promised na magpapagaling siya, para sa'yo...kaya hindi mo na raw kinailangang malaman..--- Guilty na sabi ni Billy. We had no choice Vice I'm so sorry, gusto ni Karylle na magtiwala kami sakanya..

Vice: Nung mga times na hindi ko maintindihan 'yung mga nangyayari and I was acting like a real fuck up, sana sinabi niyo na para naman hindi na umabot pa sa ganto yung sitwasyon namin! 

Billy: Believe me, Vice! I tried to convince her! Ayoko siyang pangunahan kaya hindi ko masabi sa'yo pero Vice, sinubukan ko siyang kumbinsihin! Kaming lahat actually kung alam mo lang! --- Sumisigaw nang sabi ni Billy. But the time came na finally na-convince na siya e, and that was the night you broke up with her...

Napakagat labi nalang si Vice habang iyak nang iyak na naglalagay ng mga damit sa maleta. Ang gulo gulo ng utak niya, ang tanging malinaw lang na nasa isip niya ay dapat siyang sumugod doon at humingi ng tawad kay Karylle, ang taong mahal na mahal niya at mahal na mahal din siya, pero sinaktan niya. 

Vice: Am I running out of time? --- Napatingin siya sadly sa bestfriend niya.

Napa-iyak nalang din si Billy.

Billy: I don't know Vice, I don't know..

Umiiyak paring huminga ng malalim si Vice at sinarado ang zipper ng maleta niya.

Vice: I'm leaving.

Billy: Sasama ako sa'yo Vice.

//

Dahil kay Bernard Cloma, [hehe, hi bernard] nakakuha kaagad sila Vice ng flight to NZ. Umuwi lang si Billy saglit, kumuha ng mga damit, he also informed Iza and Ms. Z kung anong mga biglaang nangyari at dumeretso narin sa airport. The flight they got was 6PM so ang expected time na dadating sila doon is 7AM sa Pilipinas, which means 12NN na sa NZ. 

Nasa eroplano na sila and they're already travelling for almost 4 hours now. Biglang nagising si Billy at nakitang gising pa rin si Vice, yakap yakap ang couple hoodie nila ni Karylle at nakatulala lang. 

Billy: Pahinga ka muna Vice..it will be okay...--- Sabi ni Billy na sinusubukang pakalmahin si Vice kahit alam niyang hindi niya maachieve yun.

Hindi nakasagot si Vice agad, tumulo na naman ang luha mula sa mga mata niya.

Vice: Hindi ako mapalagay Billy..--- He said, his voice starting to crack. I don't even know how I'll describe how I feel right now..Gusto kong patayin yung sarili ko nang paulit-ulit. Paano kung huli nako? What if those were the last days of her life and she spent it chasing me, calling me, worrying about me? Sobrang sayang Billy, ang gago gago ko talaga kahit kailan. Dapat nandun ako sa tabi niya sa mga panahong 'to to make her happy, to make her strong, pero kabaliktaran 'yung mga ginawa ko.  --- Humikbi siya. Nandito na naman ako, sa dulo ng mga pangyayari regretting all the wrong choices I made. I should've known, ang tanga tanga ko. Bakit hindi ko man lang nahalata? Bakit hindi ko man lang inintindi 'yung sitwasyon?

The Last Time [ViceRylle]Where stories live. Discover now