Chapter 2

190 4 0
                                    

Lumabas na kami ng Starbucks ni Jerome at dumeretso sa sinehan.

"Babe, anong papanoorin natin?" tanong nya.

"Horror!" excited na sagot ko.

Diyan kami nagkakasundo. Parehas namin gusto ang horror.

"Sige. Bili na ako ng tickets natin tapos ikaw na ang bumili ng popcorn at softdrinks." utos nya sakin.

"Aye aye captain!" sagot ko at natawa naman siya.

Dumertso naman ako sa store ng popcorns at drinks.

"Two large popcorns and drinks." saad ko at nagbayad.

Maya-maya pa ay bibigay na ang order ko.

"Thanks." sabi ko pagkabigay sakin.

Tatalikod na sana ako pabalik nang....

*SPLAAAASH*

Natapon sakin yung drinks! Grrrrr!!!!!

Tiningnan ko yung kabuuan ng guy na nakatapon sakin. May itsura naman at di rin  katangkaran.

"Ano ba? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" galit na sigaw ko sa kanya.

Sino ba naman amg hindi magagalit? Matapunan ka ba naman ng drinks eh?

"Malay ko bang tatalikod ka?" sagot nung guy.

"Ahhh, sasagot ka pa? tanobg ko sa kanya.

"Tinatanong mo ako diba? Edi sasagot ako!"

"Ang kapal din ng mukha mo noh? Hindi ka man lang magsosorry?"

"Bakit naman ako magsosorry? Kasalanan ko ba na tatanga-tanga ka?" sagot niya.

O_O

"A-anong? Hoy!!!!" akmang tatalikod na siya pero pinigilan ko siya.

"Ano ba?" inis na tanong niya.

"Anong ano ba? Magsorry ka kaya!"

"Tch! Bahala ka dyan!" sabi niya at tumalikod.

Inis akong pumunta sa line ng tickets at pinuntahan si Jerome

"Oh? 'Bat nakabusangot yang mukha mo? Tsaka, 'bat isa lang yung drinks na binili mo tapos basang-basa pa yang damit at pants mo?" sunod-sunod na tanong niya.

I Always Got YouWhere stories live. Discover now