Napangiti rin siya dahil nararamdaman niya ang pag-aalala nito sa kanya. Nasa isip ni Lana, kung wala siguro sila sa isang komplikadong sitwasyon kung saan lihim silang mag-asawa na nagta-try i-"work out" ang marriage, they could have been friends.

Friends with benefits?  Hmm. Mukhang malabo rin silang maging magkaibigan lang kung parati siyang parang inaakit ni Dylan at siya naman ay bigay na bigay!

"Ikaw ang bahala," aniya rito. "Gusto ko lang talagang maalagaan pa lalo ang katawan ko. Lalo na nagkaka-edad na rin ako."

"Bakit ba iniisip mong tumatanda ka na? Thirty is not bad." Ito na ang umuubos ng cheesecake niya.

Napabuntong-hininga siya. "Tumatanda naman talaga kasi ako. Lalagpas na 'ko ng kalendaryo."

"Good thing you're married."

She rolled her eyeballs. "Alam mo, Dylan, sa totoo lang hindi ko alam kung saan papunta ang... marriage na 'to," prankang sabi niya. "Sa tuwing nagkikita tayo... palagi na lang may nangyayari. Parang nakaka-guilty na may tinatago ako sa pamilya ko. Baka nga mabuko pa 'ko ni Prince kapag hindi ako nag-ingat." Makulit pa naman ang lalaking iyon.

"Prince? Prince Aguilar? Must be your brother?"

"Half-brother, yes. Mausisa ang isang iyon. Napakakulit pa. Maraming napapansin sa paligid basta wala ang dating girlriend niya around his vicinity."

"Ikaw lang naman ang gustong itago kung ano talaga tayo. Look." Itinaas nito ang kamay kung saan nakasuot ang wedding ring. "I never took this off."

Kumunot ang noo niya. "Maraming nakakapansin niyan!"

Ngumisi ito. "Marami-rami nga. I never denied or confirmed. I respect that you like to hide 'us' for now. Pero tignan mo, ikaw din ang nahihirapan na itago sa mga kapamilya mo." Sumubo ulit ito ng cheesecake bago magsalita muli. "Another, why are you feeling guilty kapag may nangyayari sa'tin? Nasa tamang edad naman na tayo."

It felt like sneaking behind her parent's back. "Maling ikinasal tayo na lasing."

"Ito na naman tayo." Napabuga ito ng hangin at saka nilapag ang platito na wala ng laman sa mesa. "Gusto mo ba talagang makipaghiwalay?" diretsang tanong nito.

Tinignan niya ito. "Oo," mabilis naman na sagot niya.

Napansin niya ang paglungkot ng mga mata nito. "You don't really want to give this marriage a chance? Don't you want to give me... a chance?"

She sighed. "Hindi sa ganoon. I... I don't know. Para kasi sa'kin, mali lang talaga. It's weird."

Napakamot ito ng sentido. "I creep you out."

"It's not everyday that you get drunk, get married with a stranger, then you'll learn that the stranger loves you!" sarkastikong sabi niya rito.

"But you always make love with the stranger," he sarcastically said also.

Naiinis na hinampas niya ito sa braso. "I hate you!"

Hinuli nito ang kamay na pinanghampas niya rito. Pagkuwa'y malakas siyang hinila nito palapit rito. He purposely lied on the couch. Kaya naman napasubsob siya sa dibdib nito.

"Dylan!" Tiningala niya ito at nanlaki ang mga mata niya nang sakupin nito ang mga labi niya.

Sinubukan niyang lumayo ngunit agad na malakas na pumulupot ang mga braso nito sa kanyang baywang. His kisses were strong also. Parang naiinis ito na hindi niya maintindihan sa gawi nang paghalik nito. Pero maya-maya ay lumambing ang halik nito... politely asking her to kiss back.

Making Love - Published by PHRWhere stories live. Discover now