Teaser

12 7 7
                                        

Trailer

Meet Dynzel...

"Hi, my name is Dynzel Grasha Baitan. Maganda, mabait, at sobra magmahal. Kaya nga siguro lagi nalang akong nasasaktan kasi binibigay ko ang lahat kahit na alam kong wala namang darating na kapalit. Charot lang. Basta, 19 years old ako at nagmula sa bayan kung saan araw araw ay mistulang contest dahil lahat ng tao judge. Ayoko mang magyabang pero magaling akong magsulat at kasali ako sa sa isang grupo ng mga prominenteng manunulat ng bansa na ayon sa statistics, isa sa amin ay maloloko."

Caring..?

"Mga kapatids, matulog na kayo, maaga pa pasok niyo bukas. Tsaka bago kayo matulog siguraduhin niyong nakainom na kayo ng gatas."

Intelligent...?

"According to Newton's third law, in every action, there is always an equal and opposite reaction. Kaya kung may mahal ka, itulak mo palayo, para mapunta siya sayo."

Maaasahan..?

"You can always count on me like one, two, three. Isali mo na rin ang Four, Five, at Six, baka magtampo pa mga yun."

Friendly...?

"Now is the time for equality, people. Let's spread love, not animosity. Homo or hetero, wala na tayo dun dahil kanya kanyang trip lang yan."

At higit sa lahat, girlfriend material...daw..

"Magaling akong magluto, marunong din akong maglaba, mamalantsa, maglinis ng bahay, magpakain ng mga hayop at higit sa lahat, masipag ako..."

"Weh?" Sabay sabay na sabi ng mga kabarkada niya.

"Minsan."

Kaso...di nga lang kasikatan...

"Nakakainis! Nilangaw na naman yung mga paninda ko kanina. Kung hindi lang naman kasi mga bobo at kalahati yung groupmates ko kanina, na nag-ayang sumabak sa teritoryong yun, eh alam naman nilang nandun ang grupo ng demonyong anghel na yun!"
.

.

.

MEET JETHRO...

Sikat..!

"Hello. I'm-"

"Angel Jethro Yap Borromeo. Yes, I know your name." Low-key na paglalandi ng bagong instructor nila sa kanya.

Talented..!

"One team?!" Sigaw niya sa mga ka teammates sa Basketball. Siya kasi yung star player ng team.

"One goal!" Sagot naman ng mga teammates niya.

....

"I-aask ka sana naming kumanta sa opening ng All-University party natin, Jeth. Kung pwede?" Tanong ng isa sa mga student- organizers ng school nila.

Matalino..!

"Let's all give an aplause, although it's not new to us anymore, to Mr. Borromeo for acing the exam. Yan ang dapat nyong tinutularan, hindi lang sikat at gwapo, matalino pa." Masayang anunsyo ng prof nila na animo'y siya ang nanalo ng prize sa sobrang laki ng ngisi.

Seryoso..!

"Pag trabaho, trabaho. Pag laro, laro. Wag mong ipagsabay ang dalawa kung gusto mong umasenso."

Mayaman..!

"Para san to?" Tanong ni Dynzel nang iabot ni Jethro ang isang kahon ng bagong sapatos.

"Para sa paa, obvious ba?" Iritadong sagot nito habang sumusulyap sa walang saplot na mga paa ni Dynzel.

"Wala akong pera ngayon." Sabay sauli sa sapatos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Front PageStories to obsess over. Discover now