Love me like you do

Magsimula sa umpisa
                                    

"Good night my love!" Nakangingiti kong pahabol na banat sa kanya.

"Good night mo mukha mo!" Asar naman niyang tugon sa sinabi ko bago tuluyang umalis. Nagmamadali pa sa pag-akyat sa hagdanan na animoy may humahabol sa kanya.




Jade's POV

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay napahawak pa ako sa dibdib ko. Geez! Ang lakas na ng epekto ni Althea sa akin. Para bang may unstoppable force na humahatak sa akin papalapit sa kanya.

Ang hindi ko maintindihan ay ang sobrang naapektuhan ako sa pagkakasabi niya sa word na sex. May kakaibang kiliti sa pakiramdam na wala man lang halong pandidiri.

"You're crazy Jade!" Hindi makapaniwalang bigkas ko.

Ayoko pa sanang umakyat para makasama ko pa siya. Ngunit magmumukha naman akong engot kung mag-stay pa ako doon matapos ko siyang itaboy pauwi kanina.

Sa halip ay naghalf bath na ako at nagpalit ng pantulog.

Nang mahiga na ako sa kama ay hindi ako mapakali. Parang sinisilihan ang puwit ko na hindi ko mawari.

Tumayo ako at nagtungo sa may bintana. "Damn it! Naririto pa siya." Napansin ko kasing naroroon pa rin ang sasakyan niya.

Pauli-uli ako sa paglalakad habang kinakagat-kagat ko ang dulo ng kuko sa daliri. Para akong teenager na taeng-tae makita ang crush ko.

Nagtungo ako sa pinto at dahan-dahang binuksan iyon upang malaman ko kung anong ginagawa pa nila ni Kuya sa baba.

"Pards lasing ka na. Dito ka na matulog."

"Hindi pwede pards! May pasok tayo bukas. Malilintikan ako kay Dad kapag hindi ako nakapasok sa opisina. Huwag kang mag-aalala. Kaya ko pa naman eh.."

Sa boses nito ay halatang lasing na lasing na nga ito.

"No! Hindi ako papayag na umuwi ka pa sa lagay mong iyan. Pahihiramin na lang kita ng damit ni Jade. Magka-size naman siguro kayo."

Mabilis na naisara ko na ang pinto. Shit! Katabi lang ng room ko ang isang guest room. Sana sa dulong guest room siya dalhin ni Kuya.

Agad na sumampa ako sa kama upang magtulog-tulugan. Alam kong anumang oras ay kakatukin ako ng kapatid ko.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi nga ako nagkamali. May kumakatok sa labas ng pintuan ko. "Bunso.. Bunso gising ka pa ba? Kailangan kasi ni Kuya ang tulong mo."

Bahagya kong ginulo-gulo ang buhok ko. Kunwaring nakaidlip na ako. Saka ako bumangon at pinagbuksan ito. "Ano ba yon Kuya?" Namumungay na rin ang mga mata nito. Medyo lasing pero nasa katinuan pa siya.

"Bunso nasa guest room si Pards! Tutal pareho naman kayong babae. Pwede bang ikaw na magpalit sa kanya?"

"Ano?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Pano na lang kung magising yon? Tapos pagsamantalahan ako?"

Nagpakawala ng mahinang tawa ang loko kong kapatid. "Bunso hindi magagawa ni pards yan sayo unless ginusto mo rin."

"Ayoko kuya! Hayaan mo na lang matulog na ganon ang suot niya."

Napasimangot ito sa akin. "Wala ka bang malasakit sa bestfriend ko?" Great! Nangungusensya pa siya. Seriously? Gusto pa niya yata akong ipain sa kaibigan niya. "Sige bunso kung talagang ayaw mo. Eh no choice! Ako na ang magpapalit sa kanya." Sabay ngisi sa akin.

Kinabahan akong bigla sa sinabi niya. Sa sobrang sexy at ganda ngayon ni Althea ay baka matukso ito at biglang makaroon ng pagnanasa sa kaibigan niya. Tsk! Lasing pa naman siya. "Oo na.. papalitan ko na siya. Ikaw ba kaya mo na ba ang sa sarili mo?"

Can't Get Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon