Simula't Huli

Magsimula sa umpisa
                                    

At ito ay isa sa panahon na iyon. Kasalukuyan silang naghahabulan sa hardin ng mga bulaklak, rinig na rinig ang kanilang mga tawa, kitang kita ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Napadpad sa isang sulok si Red at siya ay nakulong, handa na siyang tayain ni Alpha nang itaas niya ang kaniyang kamay. "Sandali lang, prince charming, pagod pa ako!" sambit ni Red. "Haynako, Prinsessa, huwag madaya! Magtaya ka rin!" pagrereklamo ni Alpha. "Pero, Prinsessa ako." Ngumisi si Red sa sagot niya. "Hindi, ayoko!" pumusisyon si Alpha upang tayain si Red. Sa mata nila isa lamang itong laro ng taya-tayaan. Pero para sa mata ng iba parang handa nang lamunin ng lobo ang dalaga ng buhay.

Sa likod ni Alpha nakita ni Red na may baril na nakatutok sa kaniyang kaibigan, bakas sa mukha ni Red ang pagkagulat, nagtaka si Alpha sa pagbabago ng ekspressyon niya. Kaya't napatingin siya kung saan nakatingin ang dalaga, ngunit bago man mangyari iyon ay naramdaman na niya ang mahigpit na pagyakap ni Red kasabay ng malakas na tunog, at ang sumunod na naramdaman niya ay ang pagpagsak niya sa lupa. Tumingin siya sa pinanggalingan ng tunog at nakita niya ang isang mangangaso na naglalagay ng panibagong bala sa kaniyang baril ngunit parang hirap na hirap ito. Nagdilim ang paningin ni Alpha at inatake ang mangangaso, kinagat niya ang baril at naputol ito sa dalawa. Nakagat niya ang mangangaso ng mahigit sa tatlong beses ng marinig niya ang pagiyak ni Red. Nakita ng mangangaso ang pagkakataon na ito para tumakas, at nagawa nga niya. Lumapit ulit si Alpha sa dalaga. "Alpha, ang sakit itutulog ko muna ito, ha?" tanong ni Red. "Hi-hindi pwede! Dipa nga tayo natatapos maglaro! Tapos dipa natin nakakain iyong pagkain na hinanda ng iyong ina!" paiyak na sabi ni Alpha. "Ganoon mo na lang ba talaga kagustong magtaya ako at kailangan iyakan mo pa?" natatawang tanong ni Red, ngunit naiyak siya sa sakit na naramdaman niya sa may ibaba ng kaniyang dibdib.

Tumulo ang mga luha ni Alpha, at kahit medyo mahina na si Red ay iniangat parin niya ang kaniyang kamay at pinunasan ang kaniyang mga luha, tulad ng lagi niyang ginagawa. Napatingin siya sa kalangitan at nakita ang mga magagandang bituin kasama ang bilog na buwan. Naubo siya at nakita niyang may dugo.

"Mamamatay na ako." Sambit niya. "Hindi pa, sandali at hihingi ako ng tulong." Ani ni Alpha. "Pakiusap, huwag na. dito na lamang tayo" sabi ni Red. "Pero-"..."Pakiramdam ko ako ang pinaka maswerteng babae sa mundo, tanungin mo ako kung bakit." Utos ni Red. "Ba-bakit?"... "Dahil kahit ganito lang, nakaramdam ako ng kasiyahan, naranasan kong matrato na isang prinsessa, na may prince charming." Natawa siya ng kaunti sa kaniyang sinabi. "Tama lang, dahil isa ka naman talagang prinsessa para sa akin." Sagot ni Alpha, nanginginig ang boses niya. "Di-diba nangako pa nga tayo sa isa't isa na tayo'y magkakaroon ng happy ending?" pagtuloy ni Alpha.

"huwag mong isipin na hindi ako nagkaroon ng happy ending, ang totoo niyan ay ako ang pinakamasayang babae sa lahat dahil nakilala kita." Unubong muli si Red. "Red, ta-"... "Alpha, ikaw na lamang ang maghanap ng iyong happy ending. Kung patuloy kang malulungkot sa aking pagkamatay, magkakaroon ka ng sad ending. Diba nais mong magkaroon ng happy ending?" ngumiti ng kaunti si Red. "Pero na ngako ka! Na tayong dalawa ang magkakaroon ng happy ending, hindi naman pwe-"... "Alpha, kung-nahanap mo ang iyong ha-happy ending , edi matutupad ko ang pangako ko sa- iyo. Na-hanap ko na ang a-akin, ang natitira na lang ay- ang- ang iyo." Nanghihinang sabi niya.

"Sabi mo sabay nating hahanapin iyon, hindi hiwalay." Umiiyak na sabi ni Alpha. "Pa-tawad, sadyang taksil lang ang tadhana sa atin. Salamat, da-dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na ma-maging iyong prinsessa."

"Hindi ko pa nga napapatunayan kung gaano kita kamahal." Wika ni Alpha. "Lumapit ka." Mahinang utos ni Red, lumapit pa si Alpha kahit nakayakap na siya sa dalaga. Umangat ng kaunti ang dalaga at idinampi ang kaniyang mga labi sa kaniya. Ramdam ang pagmamahal at pagkalungkot sa una at huling halik na ibinahagi nila sa isa't isa.

"Mahal rin kita, ang tagal mo kasing umamin." Natatawang sabi ni Red. "Pa-"... "Alpha?" mahinang sabi ni Red. "Hmm?"... "Ito na kasi ang huling beses na ngingiti ako, maaari mo ba akong sabayan?" binulong niya, walang ibang magawa si Alpha kundi tumango na lang, at ngumiti siya ng matamis. Ngumiti rin si Red, kasabay ng pagpikit niya. Naiyak muli si Alpha, sa sobrang pagiyak ay halos hindi na siya makahinga.

At iyon, sa isang tahimik na gabi ay humagulgol siya sa pagkawala ng kaniyang pinakamamahal na babae. Rinig na rinig ng kaniyang mga kauri pati ng ibang tao ang malungkot na pagalulong niya mula sa malayo, simbolo na isang mahal nila sa buhay ay nawala. Niyakap niyang muli si Red ng sobrang higpit habang patuloy na umuluha. "Sinungaling ka Red, sabi mo tayo, hindi ikaw at ako."

At magmula noon ay sa tuwing kabilugan ng buwan siya'y nag-aalulong. Para ngang ang buwan ay siyang kaniyang minamahal at buwan-buwan siya ay umiiyak sa isang pag-ibig na kahit kalian ay hinding hindi niya mahahawakan.

Happy Ending Filipino VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon