bakit mahal?

109 3 1
                                        

Bakit mahal?
Nakalimutan mo na ba lahat....
Lahat ng pinagsamahan natin?
Ang tanga ko ang tanga tanga ko nag paniwala ako sayo
Naniwala ako sa matatamis mong salita
Naniwala ako na mahal mo ako
Naalala ko pa noon nung ipakilala mo ako sa mga magulang mo
Kinakabahan ako
Kinakabahan na baka hindi nila ako gusto!
Ngunit,hinawakan mo ang kamay ko
Na siyang nagpawala ng kaba ko
Naala mo ba nung nililigawan mo pa ako
Nagako ka na gagawin mo ang lahat mapasaya lang ang prinsesang katulad ko
Nasabi mo pa noon ako ang una at huling mamahalin mo
Pero....
Noong isang araw bigla kang nanlamig
Nanlamig ka imbis na akoy lambingin
Ako'y nagtaka ano ba ang pagkakamali ko??
Pilit kong tinatanong sa aking sarili
Ano ba ang mali ko?
Bakit??
At noong araw din iyon nakita ko namay kausap kasa telepono
May kausap ka habbang nakangiti
Yung ngiting dating ipinapakita mo saakin
Yung ngiting dapat para saakin
Pero mahal,sadyang mahal lang talaga kita
Hindi kita kayang pakawalan
Kahit masakit wala akong ginawa
Kung hindi magkunwaring masaya,
Masaya kahit nanlalamig ka
Kinabukasan nakita kita
Nakita kitang....... May kasamang iba
Magkahawak ng kamay,
Nakangiti,
Nakita ko sa iyong mga mata na maligaya ka
Maligaya ka sa piling nya
Nakikita ko sa iyong mga mata
Tunay ngang maligaya ka
Wala akong nagawa kundiy ngumiti ng mapait
Siguro ito na ang tamang panahon
Tamang panahon para
Pkawalan ka
Pakawalan ang isang taong nagpapaligaya saakin
Para sa kaligayahan niya
Pero, mahal tandaan mo mahal na mahal kita......
Kahit may mahal kanang iba
Hindi ko namalayan may luha na palang pumapatak
Sa aking mga mata
Kinaha ko ang aking telepono at tina wagan ka
"Mahal sana maging masaya ka gusto ko sanang sabihin na.....
Mahal na mahal kita............... Kaya ..... Papalayain na kita"

Spoken Stories to obsess over. Discover now