[001] Imposible

149 10 1
                                    


Imposible, salitang ayaw kong ulit-ulitin
Sapagkat pinapaalala lang nito na ika'y imposibleng maging akin
Noong una, pangako ayaw ko talaga
Puso ko'y natatakot na maramdamang sayo ay wala akong halaga
Pero wala e, pag-ibig ko'y di ko na napigilang umere
Alam kong imposible, imposible na magkagusto ka sa akin na may utak berde
Isang lalaki na kung pumorma ay tila nasa sisenta nobenta
Pagdadala palang ng damit, sa mga manliligaw mo'y wala ng panama
Ngunit sa kabila ng mga iyon, sinisinta pa rin kita
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba
Tanging nasa isip ko ay iparamdam sayo na mahal talaga kita
Oo mahal kita, isa akong malaking tanga diba
Ganda, bait, talino mga katangian mong halos perpekto
Pagkaperpekto mong nais kong ipasalamat sa iyong mga ninuno
Kung ika'y mapasakin, pagtsi-tsimisan tayo ng buong baryo
Dahil tila nakasaksi sila ng pag-iibigan ng reyna at alipin sa kastilyo
Kagwapuhan at katalinuhan, taglay ng isa mong manliligaw
Siya'y nabighani sa kagandahan mong nangingibabaw
Ngunit pansinin mo naman ako, ako na minahal ka ng buo, kaya kong ibuwis kahit ang pagdanak ng sarili kong dugo
Masigurado lang na balang araw, apelyido ko ang dadalhin mo
Kayamanan, taglay ng ikalawa mong manliligaw
Kayamanan na kung saan kaya niya ng bilhin ang lahat
Sa pahayag na iyon, ako'y sisigaw ng sapagkat!
Sapagkat hindi niya kayang bilhin ang pagmamahal ko sayong tapat
Katawan, habol sayo nung pangatlo
Titig niya palang masasabi ko ng ang taong ito'y walang modo
At heto ako, naghihintay na mahalin mo
Irerespeto kita ng buong buo, itaga mo sa bato!
Tingin na sa akin ng mga kaibigan ko ako'y siraulo
Bakit ko daw kasi minahal ang isang taong tulad mo
Isang tulad mo na may pagkaperpekto na tila ginto
Pero para sakin, walang mali na mahalin ang isang tulad mo
Sa kabila ng mga pangamba, hindi ako sumuko
Mas lalo akong ginanahan na patunayan sayo na ang pag-ibig ko'y totoo
Tila suntok sa buwan na ako'y mapansin mo
Kaya mga pagsisikap ko'y aking tinodo hanggang sa nakamit ko na rin ang matamis mong 'oo'
Ngayon, ang araw ng ating kasal
Ika'y mapapasakin at ako'y mapapasayo sa paraang banal
Sa harap ng Diyos at ng mga taong nandirito
Pinapangako kong mamahalin kita hanggang sa aking huling segundo

***

Unspoken Thoughts (Compilation)Where stories live. Discover now