It's been years since I did the greatest mistake in my life. Regrets are haunting me but I can't turn back time. Yes, I have chosen my degree over my dignity but no one knows it except for my closest friends.
I am Isabelle Gonzales, (19 years of age) I came from a very poor family. Ang mga magulang ko ay dakilang magsasaka sa bukid. I don't like myself to inherit such kind of livelihood. Kahit mahirap lang ako, pinapangarap ko pa rin ang magiging guro balang-araw. At para matupad ito ay kinakailangan magpaalam ako sa kanila na mag-aaral ako ng kolehiyo sa suidad.
"Nay, tay! Malapit na po ang pasukan, gusto ko po sanang mag-aral ng kolehiyo." Sabi ko habang nasa harap ng hapag- kainan.
Nakita ko sa reaksyon ng kanilang mukha at alam ko na ang nais na ipipahiwatig nito. Alam kong hindi na nila ako papayagan.
"Hay naku Isabelle!" Tinapos ni Inay ang huli niyang subo. "Alam mo namang mahirap lang tayo, di ba? Kaya 'wag mo nang naisin pang mag-aral ng kolehiyo. At isa pa, wala namang silbi kung magko-kolehiyo ka pa, sa sakahan pa rin naman ang bagsak mo!" Dagdag ni tatay.
Hindi man lang ako nakatingin sa kanila, dahil alam ko namang hindi sila susuporta sa pag-aaral ko. Kailangan kong mag-isip kung ano ang dapat kong gawin. Malakas na pagkasabi ng isip ko.
"Pero.."
"Wag ng magmatigas ang ulo, Isabelle!" Sigaw ni tatay.
"Eehh, 'wag niyo na pong alalahanin ang mga gastusin tay, ako na pong bahalang gumawa ng paraan."
"Ano?! Gagawa ng paraan? Paano't ano ang gagawin mo?" sumbat ni inay.
"Mag-aaply po ako bilang working student sa paaralan na papasukan ko, nay." Iniligpit ko ang mga pinggan na ginamit namin at papuntang kusina. Muling gumanda ulit ang tono ni Inay nang marinig kong sumang-ayon siya sa desisyon ko.
"Eh kung ganun, papayagan na kita ngunit sa isang kundisyon!" Habang abalang-abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina narinig ko ang sinabi ni Inay.
"Talaga nay!?" Niyakap ko si Inay dahil sa saya ng aking nararamdaman. Mahigpit ang aking pagkayakap kaya hindi siya makapagsalita.
"Aa..anak!" Binitawan ko agad siya.
"Sorry po nay, ang saya ko lang talaga na sumang-ayon na kayo ni Itay, ano pong kundisyon na gusto niyo nay?" Nakahawak ako sa kamay niya.
ESTÁS LEYENDO
TRUTH SLAPS YOU BACK
RomanceThis is all about a girl who chose to lose her valuable dignity for the sake of her ultimately desired dreams.
