June 3
First day of school na nag mamadali na ako na maka alis agad sa aming bahay.Nilagay ko na lahat lahat ng mga kinakailangan ko sinisigurado ko na wala na akong may nalimutan at tsaka nag paalam na ako sa aking nanay.
Nang pasakay na ako sa tricycle parang kinakabahan ako kasi transferee ako at di ko alam kung mababait ba o masasama ang mga nag aaral sa UMES or University of MES.think happy thoughts lang para di ako kabahan.
Nang nakarating na ako sa aking new school UMES,hinahanap ko yung room ko kung nasaan tapos biglang may tumawag sakin na babae na naka eyeglasses na parang teacher.Binati niya ako at tinanong
"Good morning!
Ano po ba yung hinahanap niyo?"
Napatingin ako sa kanya tapos binati ko rin siya at sinabi kung ano ang hinahanap ko....
"Ayy! Good morning rin po sa inyo,hinahanap ko po yung classroom ko Grade 10 na po ako,san po banda yun?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh! Nasa Site III, Diretso ka lng tapos liko ka kanan dun mo makikita yung room mo.."
Nag pasalamat ako sa kanya at binati siya muli.Nang sinunod ko ang direksyon kung saan ang Gr.10 room ay nakita ko nga ang pangalan ko na nakalista at agad akong pumasok..
Pumili ako ng upuan kung saan ako komportable at swerte ko nga nasa bintana ako at mabuti nalang babae yung katabi ko hindi lalake.Tahimik ako kasi wala akong kilala sa kanila kasi transferee ako.
Pero di ko mapigilan na kabahan ako baka kasi siraan ako nila o di kaya aawayin...pero masama naman dba ang mang husga?
Lumingon ang babae kong katabi sakin siya ay maputi,maganda at medyo curly yung hair niya. at tinanong kung ano ang pangalan ko...
"Hi!Anong pangalan mo?"
Lumingon din naman ako na parang tulala lng sa totoo lng parang nahihiya akong sabihin ang pangalan ko pero naalala ko nanay ko na be friendly...kasi shy type ako so nilakasan ko yung loob ko na sabihin sa kanya ang pangalan ko.
"Umm,Michaela pero tawagin mo nalang akong Mikay,Eh ikaw ano pangalan mo?". Sabi ko sa kanya
"Ako si Jane". Sagot niya
Nag simula na kaming mag kaibigan at nag kwekwentuhan habang ako panay tanong habang siya naman panay sagot.
Masaya naman pala mag aral sa UMES kasi madaming friendly na tao at masaya silang kasama.kung tutuusin nga mabait din yung mga lalaki ehh.Inikot nmin ni Jane ang UMES at tsaka nag kwekwentuhan mababait din naman ang mga teachers tsaka friendly din.
Nang bumili kmi ng pagkain ni Jane akala ko Mamahalin yung pagkain nila yun pala mura lang masarap na at mabubusog ka pa.
YOU ARE READING
Love Triangle
RomanceAng kwentong ito ay based sa true story.si Mikay o Michaela ay mahiyaing tao ngunit nilalakasan niya ang kanyan loob para hindi mahiya.Si Rodd naman ay masayahing tao,magaling sumayaw,cute,magaling mag pingpong at Matalino.Habang si Edward ay gwapo...
