"Bakit ano ba yang gift mo sa kanya hija?"

"Sabi po kasi ni Den-den mahilig daw po magdrawing si Jade. Kaya binilhan ko siya ng mga sketch pad at mga pangkulay."

"Naku! Matutuwa talaga yon sayo. Ayan malapit na tayo. Isang straight na lang dito."

Sa isang subdivision sila nakatira. Malaki rin ang bahay nila pero hindi kasing laki ng bahay namin. Sa harden lang nila ginaganap ang party.

"Andito na ang Dada nyo Den-den."

"Pards?! Waaaah!!!" Tuwang-tuwa siyang sinalubong ako. "Pards?! Salamat sa pagpunta. Halika na sa loob bilis."

Tinanguan naman ako ni Tito Oscar kaya sumama na ako sa anak niya.

Napakarami nilang bisita. Malawak ang harden nila kaya nagkakasya naman lahat sila. Nagsalita na ang host ng programa. Sisimulan na raw nila ang program dahil naririto na raw ang father ng celebrant.

Sa pinaka-unahang table ako pinaupo ni Dennis kasama ang pamilya niya. Ngunit tumayo na ito ng tawagin ng host upang mag-escort sa kapatid niya.

Sa unang pagkakataon ay nahalina ako sa kagandahan ng isang batang babae na animoy totoong prinsesang naglalakad sa gitna ng bulwagan.

Ang ganda-ganda niya talaga. Napahawak pa ako sa dibdib ko na para bang nag-iba ang pintig ng puso ko. Relax naman ako at hindi hinihingal sa sobrang pagod.

Doon nagsimula ang attraction ko kay Jade. Gusto ko siyang nakikita palagi. Konting oras ko lang siyang nakikita sa school. Kaya umisip ako ng paraan para muli ko siyang masilayan.

Pagkakatapos ng tuitor ko ay nagpapahatid ako sa driver patungo sa bahay ng bestfriend upang magawa ko ang nais ko.

Si Tita Amanda ang nagbukas sa akin ng gate. "Oh, hija pasok ka. Kaya lang si Den-den wala pa siya rito. Kasama ng pinsan niyang umalis. Mamaya pa siguro uuwi yon."

"Ganon po ba? Wrong timing pala po ang punta ko. Naiinip po kasi ako sa bahay namin kaya gusto ko po sana ng makakalaro."

Tila naawa naman siya sa akin. Kaya napabuntong-hininga siya.

"Nandito si Jade. Kung gusto mo ay kayo na lang dalawa ang maglaro." Lihim na nagbunyi ang kalooban ko sa narinig ko. "Sandali at tatawagin ko lang siya sa kwarto niya. Kapag may kailangan ka o gustong kainin huminge ka lang kay Manang Caring hija. Marami kasi akong kailangan gawin. Kaya sa study room lang muna ako. Pabababain ko na lang dito si Jade para siyang makalaro mo."

"Opo Tita.. Salamat po." Grabe kinikilig ako. Siya pa talaga ang makakalaro ko ngayon.

+++++++

Nakatingin ako sa mga pictures na nakadisplay sa living room nang may maramdaman akong nakatayo sa likuran ko.

"Hey! Miss anong ginagawa mo dito? Wala naman dito ang Kuya ko."

Hays! Pati boses niya nakakaakit. Pambihirang buhay ito! Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Para kasing nagmamarathon na naman sa bilis ng pagtibok itong puso ko. "H-hi Jade.. Kamusta?"

"Sabi ko wala dito si Kuya. Bakit ka nandito?" Masungit na nitong tugon.

"Uhm.. Uuwi na nga sana ako. Kaso sabi ng Mama mo pabababain ka raw niya dito para ikaw ang makalaro ko."

"Wala akong alam na larong panlalaki. Iyon lang naman nilalaro nyo ni Kuya. Mga text at jolen pati lastiko."

"Ano bang gusto mong laro bahay-bahayan, chinese garter or yong tinitisod?"

Can't Get Over YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ