BALON

13 1 0
                                    


naglalakad si Lianne habang hawak ang kandila nyang, pupunta sya sa simbahan para ipagdasal ang kanyang ina na may sakit

Malayo pa ang kailangan nyang lakarin, madadaanan nya pa ang balon na kinatatakutan ng marami. Sakto naman at gabi na wala nang masyadong dumadaan sa lugar na iyon, kaya kahit Hindi pa sya nakakapunta dun kinikilabutan na sya

Pero wla syang magagawa dahil nakalayo na sya sa tirahan nya

Mayamaya pa ay nakarating sya sa balon na kinatatalutan ng nakararami

May narinig syang umiiyak galing sa balon, habang papalapit sya dun ay lalong lumalakas iyon kaya napakapit sya ng mahigpit sa kandilang hawak nya

May nakita syang babae na nakalutang sa balon kaya tumakbo na sya pero Hindi nya nakita ang bato na naapakan nya kaya nadapa sya, buti nalng at Hindi nya nabitawan ang kandila at Hindi pa namamatay ang ilaw nun

“bata, akin na lang iyang kandila mo. Para makauwi na ako”

Sabi ng babaeng nakalutang, napansin ni lianne na may dugo ang mukha nito kaya mas lalo syang natakot, nagdadalawang isip pa sya kung ibibigay nya ba o Hindi

Pero para iyon sa nanay nya na may sakit, pero kung Hindi nya ibibigay iyon baka patayin sya nito

Dahandahan itong naglakad papalapit sa balon, hanggang sa nasa harap na sya nito

Nang maibigay nya ay bigla nalang nahulog ang babaeng nakalutang, papasok sya sa balon

Napaiyak nalang si Lianne dahil sa ginawa nya Hindi na nya maipagdadasal ang kanyang nanay

Maya Maya pa ay may kung anong umilaw mula sa loob ng balon. Nagtaka si Lianne kung ano iyon hanggang papaakyat na ito at nakalapit iyon Kay lianne

Bahagya syang napaatras dahil sa gulat

Lumabas din dun ang isang babaeng kanina ay may nakakatakot na mukha, ngayun naman ay mala dyosa na into sa kagandahan

“mabait kang nilalang, kaya naman ay tutulungan kita”

Binigyan pa so Lianne ng babaeng mala dyosa ang ganda ng isang napakagandang ngiti

“Ibabalik ko na ang kandila sa iyo at umuwi ka na sa inyo, magaling na ang nanay mo”

Hinaplos muna ng babaengMalaDyosaAngGanda ang kanyang ulo bago into naglaho na parang bula

Hindi na nagdalawang isip pa si Lianne na umuwi

At gaya ng sinabe ng babae ay magaling na nga ang kanyang ina na parang walang nangyari dito. Naabutan nya pa itong maliksing naglilinis ng kanilang tahanan

“salamat”

Bulong ni Lianne

Duon nya napatunayan na Hindi naman talaga nakakatakot ang balon na iyon, sa katunayan nga ay napakabait pa nang babaeng sinasabi nila na nakakatakot

“nanay!!”

Niyakap nya ang kanyang nanay at umiyak

~•~•~•~•~•~•~•~•

A/N: kwento lang po iyan ng teacher namin, nagandahan ako kaya ito

Kung Hindi naman mganda wag nyo nalang po basahin Hindi naman po namimilit

Vote po kayo

Comment narin kung nagandahan

Pa follow na din para updated kayo kung may bago along story

KANDILA (one shot)Where stories live. Discover now