Pareho lang kami ng pinaglalaban kaya nakumbinsi ko silang makipag-tulungan sa amin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama namin ang mga taong iyon sa labanang ito. Mga bihasa sila at maalam sa pakikipaglaban sa mga bampira kaya alam kong makakaya nilang lumaban. Ang hiling ko lang ay ang kanilang kaligtasan.

Nilingon ko si dark sa aking tabi. Ngumiti ako at hinilig ang ulo sa kaniyang dibdib. Mabilis naman niya akong niyakap at hinalikan sa noo. "Natatakot ka ba?" Tanong niya.

Umiling ako. "Mas natatakot akong mawala ka..." Bulong ko.

Huminga siya ng malalim at inangat ang aking mukha para matitigan siya. "Hindi ako mawawala sa'yo. Pangako, mananatili ako sa tabi mo." Sabi niya.

Gayunpaman, hindi pa rin mawawala ang takot sa aking sistema. Pinipilit ko lamang magpakatatag para sa mga kasama. Kahit parang hindi ko kaya ay lumalaban ako para sa kapayapaan ng lahat.

"Nandito na sila!" Napahiwalay ako kay dark nang marinig ko ang sigaw ni darwin.

Tiningnan ko ang aking mga kasama na naging alerto na, bago ko hinarap ang paparating na kalaban. Kumuyom ang aking kamao ng una kong makita ang isang itim na anino. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nito ay alam kong ang....hari ng dilim iyon!

"Sandali," Humakbang si kuya ng kaunti sa harap. "Parang kay mali...." Kumunot ang noo niya sa pagtataka.

Tiningnan ko siya. "Anong ibig mong sabihin kuya?" Takang tanong ko.

Napatiim bagang siya at napakuyom rin ng kamao. "Hindi ang katawan ni papa ang sinapian niya!" Sabi nito.

Otomatik naman akong lumingong muli sa mga kalaban. Huminto na ang mga ito sa hindi kalayuan mula sa pwesto namin. At doon ko nga nakita ang sinasabi ni kuya. Napasinghap ako.

Hindi si papa ang hawak ng hari ng dilim. Isang hindi ko kilalang tao ang sinapian niya. Nasan si papa? Saan nila dinala si papa?!

"Itay!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng biglang humagulgol si bea ng iyak. Balak pa nitong lumapit sa kalaban ngunit mabilis siyang niyakap ni uncle marlon.

"Hindi siya ang ama mo! Isa siyang halimaw!" Sabi ni uncle marlon.

"Pero....." Hilam sa luha ang mga matang tumitig si bea sa mukha ng kaniyang yumao ng ama.

Napayuko ako at naguguluhang nag-isip. Anong nangyayari? Bakit hindi si papa ang hawak niya? Bakit? Anong plano niya?

"Patay na ang ama mo bea. Huwag kang papadala sa kasinungalingan niya." Sabi ni uncle marlon sa kaniya.

Napatingin naman akong muli sa mga kalaban. Hinanap ng mga mata ko si jiro. Nang makita ko ito ay otomatikong nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Hawak niya ang papa ko!

"Mukhang pinaghandaan talaga ninyo ang aming pagdating..." Ngisi ng hari ng dilim.

Napakuyom ako ng kamao. "Hayop ka! Pakawalan mo ang papa ko!" Sigaw ko sa kaniya.

Bumaling naman siya sa'kin at napahalakhak. "Wag kang mag-alala kirsten. Ibabalik ko rin siya, ulo na nga lang." Halakhak niya.

"Kung kaya mo...." Ngumisi si kuya at tinaas ang espadang hawak bilang senyales ng pagsisimula ng laban.

Kasama ang isang libong hukbo ay mabilis kaming tumakbo papunta sa kanila. Mas marami ang mandirigma namin kaysa sa kanila, sigurado na ang panalo namin kung walang masasaktan sa aming hukbo.

"Ako na ang bahala kay jiro." Sabi ni dark. Nag-aalalang tinignan ko siya. "Huwag kang mag-alala hindi ko siya papatayin." Aniya.

Tumango ako. "Mag-iingat ka." Sabi ko.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now