"Don't start, Antonio!" inis na sabi niya. Naupo siya sa tapat ni Faye. Nagsukatan sila ng tingin. Sa huli ay ngumisi ito.

"How did it feel to be humiliated? Imagine that happening to a fat insecure girl."

Hindi siya nakapagsalita agad. Mayamaya ay inabot niya ang folder na iniwan nito kanina. Nandoon ang ilang article kung saan napahiya nga ito nang husto. He felt so guilty. Kailangan ba niyang mag-explain? Kung magpapaliwanag siya, ano naman ang sasabihin nito?

Nagpaliwanag na siya sa mommy ni Faye. Pero galit pa rin si Faye. Ibig sabihin, anumang paliwanag ang gawin niya ngayon, hindi rin naman siguro nito tatanggapin. Nasaling ng babaeng ito ang kanyang pride. And much, much worse, alam na nito ang weakness niya, the witch.

Pinagtatawanan siguro siya ni Faye tuwing nagkukuskos siya ng inidoro. Jeez, this girl was even probably laughing at him whenever he got aroused. Sa obserbasyon siguro nito, wala nang laman ang isip niya kundi sex! But honestly, what he was with this girl was not him per se.

Paano naman kasi, masyado siyang tinukso ni Faye. Malamang na ang talagang nabuong konklusyon nito patungkol sa kanya ay isang walang kuwentang tao. Ano nga uli ang itinawag nito sa kanya? Sleazeball? That was probably what he seemed to her. Isang parte niya ang inis na inis sa babae.

"This is pretty impressive, Fate," sabi ni Antonio. May tinitingnan din itong kung anong folder. "Will you accept my offer?"

"I would have to think about it, Anton."

"What offer?" tanong niya.

"I asked her if she wanted to work for us."

"No way! After what she did to me?! You've got to be kidding me."

"She left her job in New York because of you. And besides, her record's good. Wala nga siyang experience sa food and beverage but it's going to be quite easy for her."

"Wala palang experience, eh. Ikaw na mismo ang nagsabi, we give the best compensation in town. Don't hire her."

"Anton, bakit siya nakikialam?" tanong ng babae.

"Unfortunately for you, you witch, I'm co-owner of this place."

"That's a surprise considering what a lazy pervert you are."

"All right, that's it!"

"Hey, hey, hey!" Tumayo na si Antonio. "Everybody, just calm down. There's no need to raise voices here."

"He started it," sabi ni Faye.

"She started it!" nakamulagat na baling niya sa kaibigan.

"Let's settle this once and for all. May atraso sa 'yo si Burt, Fate, at nakaganti ka na. Quits na kayo. And yeah, his name really isn't Jared. You can call him Burt. And, Burt, her name really isn't Faye. It's Fate. I asked for her credentials. Fortunately, dala niya ang ilang dokumento. I would still need a formal resumé and recommendations if ever you decide to work for us, by the way, Fate."

"You've got to be kidding me," sabi uli niya, nakaismid.


WALA naman talagang balak si Fate na magtrabaho sa Territorio de los Hombres. Ang dala niyang mga dokumento ay just in case lang. Naisip kasi niyang baka mabuko siya sa pagpapanggap, at least may maipapakita siyang totoong mga dokumento na nagsasabing hindi siya masamang tao. At nabuko nga siya ni Antonio.

Sa totoo lang, tumaas talaga ang kilay niya nang malamang part-owner pala ng Territorio si Burt. Hindi kasi iyon kasama sa impormasyong ibinigay ng PI. She said she didn't need a comprehensive report anyway. At ngayon, gusto pa nitong gamitin ang bagay na iyon para hindi siya makapagtrabaho roon.

Nang makarating sa lobby kanina ay sinalubong si Fate ng isang security personnel at dinala sa opisina ni Antonio. Sinabi agad ng binata na alam na nitong hindi Faye ang kanyang pangalan. Mabilis niyang ipinaliwanag ang lahat. Sinabi niyang nasa maleta ang katunayan na siya si Fate de los Santos. Ipinakuha naman nito ang maleta niya.

Habang wala pa iyon ay naaliw si Antonio sa panonood sa security camera. At habang nanonood ay nagtatanong ito kung ano ang ginawa niya sa kaibigan nito. She explained briefly what and why she did it. Mukhang na-amuse pa si Antonio sa kuwento niya. Sa katunayan, nagpakuha ito ng roba sa isang empleyado pero hindi agad ibinigay sa kaibigan nito.

Ang tagal ni Burt na makalabas ng restroom. Hintay siya nang hintay sa camera. At nang makalabas ito sa wakas ay napahagalpak naman ng tawa si Antonio. Pinaghintay siya nito sa opisina at sinundo ang kaibigan sa lobby. Mukhang mas kampi pa ito sa kanya kaysa sa kaibigan.

At nang sabihin ni Antonio ang offer na trabaho ay naisip agad ni Fate na makikita palagi si Burt. Parang natakot siya. Pero ngayong pinagyayabangan siya ni Burt, malamang na tanggapin niya ang alok just to spite him.

Hindi dumating ang hinihintay niyang apology mula kay Burt. Parang ito pa nga ang galit. At dahil part-owner si Burt, ayaw siya nito roon. Puwes, manigas ito. Dahil gagamitin niya ang pagngingitngit ni Burt sa presensiya niya para lalo itong magngitngit. Kakampi naman niya si Antonio. Bahala si Burt sa buhay nito.

Isa pa, nasa mukha na naman ni Burt ang indignasyon sa kanya, like she was some sort of pest. Talagang hindi pa rin ito nagbabago. Pinagnasaan siya pero nang malamang siya ang babaeng mataba ay ganoon na naman ang reaksiyon. Did he have an issue about big women and even those who lost weight? O galit na galit si Burt sa ginawa niya ngayon lang? Eh, bakit hindi nito naisip na dapat lang naman iyon? Kulang pa nga iyon. Dahil panakot lang naman niya ang sinabing ilalagay sa internet ang mga picture. Hindi naman siya ganoon kasama.

"You can think about the offer here, Fate," sabi uli ni Antonio.

"Hello? Dude, I'm still here. And I don't want her working here. And give me that camera!" Bago pa makapagprotesta si Fate ay nahablot na ni Burt ang camera. Hindi na niya iyon binawi. Sapat nang namumula ang mukha nito sa inis.

"Look who's got his panties up on a twist?" sabi niya. Namula ang mukha ni Burt. Napatingin siya kay Antonio at sabay silang natawa.

"Why, you...!"

"Antonio, I think I'm gonna accept the offer."

"Excellent! You can start the day after tomorrow. You can move into a cabin tonight. There are twenty cabins for managers." Pinindot nito ang buton ng intercom at sinabing may maghahatid sa kanya sa bago niyang titirhan.

"Great! So, I'll see you around." Nginisihan niya si Burt.

He just snorted.

Ngingisi-ngisinglumabas na si Fate ng opisina. Oh, sweet vengeance. She never thought it wouldmake her feel that good when only last night she felt so guilty.

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now