"That's it for today and wait for your next teacher. Bye class"

"Bye Ms. Manlihi" - buong klase

Nung nakalabas na si Ms. Manlihi, agad namang nag-ingay ang klase. Ano 'to? Nasa palengke ba kami? Sa sabungan? Oh ano? Napakaingay eh.

"Bakit?" tanong bigla sa'kin ni Sandy

"Ha?" sabi ko

"Bakit nga" - Sandy

"Anong bakit?" sagot ko. Di ko naman talaga alam kung anong pinagsasasabi niya

"Kinalabit mo ako eh" - Sandy

"Huh? Bat naman kita kaka-"

"Uhh..excuse me, ako yung nangalabit sayo Miss"

Agad naman kaming napalingon sa nagsalita. Yung lalakeng nasa likuran niya.

Nagtinginan lang kami ni Sandy. Nilingon ko naman si Freya. Nakapikit sya.

"Uh, h-hi. Ako nga pala si A.D. A.D Francisco. Ikaw? Anong pangalan mo?" narinig kong sabi nung nangalabit kay Sandy

"Ahh...S-"

"Good morning class"

Umayos naman ng upo si Sandy. Medyo nakaharap kasi siya sa lalakeng nasa likuran niya kanina.

"Ui Freya"

"Hmm"

"Meron na yung next teacher" sabi ko

Dumilat naman siya.

"Inaantok ako" sabi niya at humikab

Bat ba inaantok 'tong babaeng 'to? Nagpuyat ba 'to kagabi?

"Oh, you have your new classmates class?" nakatingin samin yung teacher

"Yes Sir" - classmates

"Welcome to Zircon. Kindly introduce yourself in front please?" sabay ngiti niya

Pumunta naman kami sa harapan. Kaninang first subject di kami nagpakilala. Nakalimutan siguro ni Ms....Maglihi? Manlihi? Tsk. Whatever. Nakalimutan ko na. Basta yun na yun. Lihi lang kasi yung natandaan ko.

Nauna si Sandy.

"Hi everyone. I'm Sandy Enriquez. Nice to meet you all"

"Hi. I'm Cai Gonzalez. Please be good to us"

"Freya. Freya Martinez. Thank you"

"Ok. Salamat. Palakpakan natin class"

Pumalakpak naman ang buong klase.

"Pwede na kayong maupo mga...naggagandahang dilag"

Ngumiti lang kami at bumalik na sa upuan namin.

"If you don't mind class ha, magpapakilala ulit ako for the sake of your new classmates" Tumigil muna siya saglit at nagpatuloy ulit "I'm Clifford Bartolome. You can call me Sir Cliff. Single, ready to mingle. *smile* . I'm your P.E teacher" tapus ngumiti na naman siya

Bat ba siya ngiti nang ngiti? Pero... infairness, gwapo siya.

Nagdiscuss naman siya hanggang sa nag-ring ung bell.

"Bye class. See you next meeting"

"Bye Sir"

"Haaaay sa wakas! Recess na din! Kanina pa ako gutom! Tara na mga pre. Di ko na kaya 'tong gutom ko" nilingon ko naman yung nagsalita. Yung nasa likuran ni Freya.

Panong di ko siya lilingunin eh ang lakas lakas ng boses.

Nagsilabasan na din yung iba.

"Tara" - Sandy

Tumayo naman kami at lumabas na ng room.

Di namin alam kung san ang canteen pero nakisabay nalang kami sa iba naming classmates.

Grabe naman. Wala bang canteen dito sa taas? Bumaba pa kami. Biruin mo, galing kami 4th floor. Nakakapagod pag araw-araw ganito inaakyat. Tsk.

At nakarating nga kami sa canteen.

Astig naman. Per year may pila. Maganda 'to para walang stampede.

Nag-order naman kami. Inabot namin yung bayad.

"Sorry ma'am. Di namin matatanggap 'yan" sabi nung nagtitinda

"Ha? Bakit ate? Di naman po peke 'tong pera namin" - Freya

"Ahm, miss, ako na magbabayad ng inorder nila. Baguhan lang kasi sila sa school na 'to kaya di pa nila alam. Wala pa silang card" sabi nung babae tapus may inabot siyang parang ATM card

Wait. She looks familiar to me. San ko ba siya nakita?

"Uy. Diba ikaw ung katabi ko?" - Sandy

Katabi niya???? *isip-isip* Tama! Siya nga.

Ngumiti lang siya. Ang ganda niya.

"Salamat ha. Di kasi namin alam eh. Hayaan mo, babayaran ka naman namin" - Sandy

"Huwag na. Libre ko na sa inyo yun" *smile* "Welcome to Zircon Academy!"

Pansin ko lang. Welcome na welcome talaga kami dito ah. Kanina pa kasi sila nag-wewelcome. Awwwtss. I'm so touched. *punas luha* Haha. Joke.

"Di ba kayo nagbabayad dito?" tanong ko

"Nagbabayad. Pero card kasi yung gamit namin. Lahat ng estudyante may kanya-kanyang card. Kung may gusto kaming bilhin, binibigay lang namin yung card namin at i-swiswipe naman nila tapus agad-agad ng madadagdag yun sa tuition fee"

"Wow. Ang astig naman" - Freya

"Naku wala pa pala tayong straw. Sandali lang. Kukuha lang ako" sabi ko

----------

Hawak-hawak ko na ung straw. Pabalik na ako sa kinauupuan namin nang may nakabangga sakin.

Nasabit yung bilog sa bracelet ko at nahulog. Gumapang ito sa sahig at sinundan ko para damputin. Kaya lang tumigil ito sa dulo ng isang sapatos na paharap sa'kin.

Nakapants. Uniform ng Zircon. Ibig sabihin....lalake. Pants nga diba? (Haha. Chos lang)

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

- KookyDamsel

His PropertyWhere stories live. Discover now