“Oo nga eh. Mabuti sana kung wala tayong night shift, ano?” Pagpaparinig niya sa dalawang kaibigan.

          “Hintay lang kayo, friendships. Magkakapalit din tayo ng mga shift.” Singit ni Carissa.

          “Oo nga. Since nandito na kayo, let’s just enjoy this night.” Saway naman ni Shanelle.

          “Okay sana kung wala tayong maagang pasok bukas.” Reklamo ni Keizl.

          “Susme, Keizl! Para ka namang – “

          Hindi na natapos ang sasabihin ni Carissa ng marinig ang tinig ng isang lalaki na nasa stage. Lahat ng tao ay napahinto at nakabaling ang atensiyon sa stage.

          “Baby, you light up my world like nobody else. The way that you flip your hair gets me overwhelmed. But when you smile at the ground it ain’t hard to tell. You don’t know. Oohh. You don’t know you’re beautiful.”

          Napapatili ang lahat ng tao sa paligid niya dahil sa isang awitin na iyon ng One Direction na ni-revive into acoustic ni Yexel.

          Yexel? Was that really Yexel?

          Lalong nabaling ang kanyang atensiyon sa sumunod na kinanta ni Yexel.

          “Your love is like the sun that lights up my world. I feel the warmth inside.”

          Nagrigodon ang kanyang puso at parang tumigil ang oras nang mahagip siya ng tingin ni Yexel. It was as if he was singing for her.

          “Your love is like the river that flows down through my veins. I feel the chill inside.”

          Lumulutang siya sa kawalan. Parang huminto ang mundo sa pag-ikot and her heart’s beating seemed so audible na kahit sino ay mabibingi sa lakas niyon. Hindi niya akalain na ganoon ang pakiramdam ng makulong sa isang masuyong tingin mula sa lalaki.

          Haay, naku! Was he singing for me? Para sa akin talaga? Ang haba naman ng hair ko! Papa God, para sa akin talaga ‘to? Sobra ka naman pong magbigay! Laking jackpot na talaga ito! Thanks, Heavens!

Ang malakas na tili ng mga tao ang muling nagpabalik ng kanyang huwisyo. Tapos na pala ang kanta at matagal na siyang nakatanga sa harap ng maraming tao.

          “Uy, grabe ka ha?” Untag sa kanya ni Carissa.

          “Fanatic ka pala sa acoustic, Ash?” Si Keizl iyon.

          Silence was her only answer. Hindi pa rin niya maarok sa isip ang pakiramdaman na unti-unting namamahay sa pasaway niyang puso.

          Tapos na ang gabi ngunit lutang na lutang pa rin ang pakiramdam niya. Her friends kept on giggling and kept on talking about the man who just serenade the whole Horizon Café. Humaba ang kanyang nguso.

          Hay, naku! Feeling ka talaga, Ashley Bernardo. Magdusa ka ngayon. Eh, sino ka ba naman para awitan niya ng ganoon? ‘Di hamak na apprentice crew ka lang dito! Wake up, self! Wake up!

          “No!” Sigaw niya.

          Napansin niyang napahinto ang lahat ng tao at napabaling sa kanya ang atensiyon. Mukhang napalakas yata ang kanyang sigaw.

          Takte naman oh!

          Tila lumiit siya sa kanyang kinauupuan nang makita niya si Yexel na nakatingin sa direksiyon niya. Hayun na naman at nag-uunahan sa paggana ang kanyang isip at puso. Nagwawala ang kanyang puso at pumipitik ang kanyang sentido. Kung bakit? Wala. Hindi niya alam. Effects at after shock yata iyon sa mga nangyayaring ewan.

          Argh. Ayoko na talaga, self ha? Masasabuntan na talaga kita, self! Nakakahiya ka! Umayos ka naman kahit kunti.

          “Your love is like the river that flows down through my veins. I feel the chill inside. Your love is like the sun that lights up my world. I feel the warmth inside.”

Tugs. Tugs. Tugs. Goes her erratic heart all over again as the music played on her mind. 

Love OnboardWhere stories live. Discover now