"Babe or love mong mukha mo! Pwede ba, huwag mong gamitin ang pagiging Galves mo para makuha mo ang gusto mo? Kailanman ay hindi ako magkakagusto sayo. Tandaan mo yan!" Hindi ko na napigil ang sarili ko na magtaray. Naiinis na rin kasi ako sa kakulitan niya. Bumubuntot-buntot na nga siya kung minsan sa school. Pati ba naman dito sa bahay namin? Kaya wala ring magtangkang manligaw sa akin sa school dahil sa kanya. Grabe siyang makabakod. Takot sila sa maaaring gawin ng bunsong Galves sa kanila.

Alam rin ng parents ko ang ginagawa nitong pangungulit sa akin. Ngunit dala ng hiya sa pamilya ng mga Galves ay hinahayaan lang nila ito maging ang paglabas-pasok nito sa pamamahay namin. Bukod pa roon ay matalik na kaibigan siya ng Kuya Den-den ko. Magkaklase sila simula elementary hanggang college. They are both taking Business Administration and graduating na sila this year. Samantalang ako ay nasa 2nd year college pa lamang at dahil nagmana ako kay Mama na magaling gumuhit ay napunta ako sa Fashion Design.

"Sakit naman ng sinabi mo Jade. Wala ba talaga akong pag-asa sayo? Maraming umaakit sa akin na babae pero hindi ko sila pinapansin kasi ikaw lang ang gusto ko."

"Jusko! Pareho tayong babae Ms. Althea. Kung ako sayo magpapakababae na lang ako. Sinasayang mo kasi ang kagandahan mo."

Waring tuluyan na siyang napikon sa mga sinabi ko kaya napasimangot na siya. "Huwag kang mag-alala Jade. Mula ngayon ay titigilan ko na ang pangungulit sayo. Masyado akong patay na patay sa isang tulad mo na hindi naman pala kayang ibalik ang pagmamahal na iniuukol ko."

"Pards! Totoo na ba yan? Titigilan mo na talaga ang baby sister ko?" Natatawang sabat ni Kuya. Tumigil lang siya ng tapunan siya nito ng masamang tingin.

"Narinig mo naman ang sinabi ng kapatid mo di ba? Kailanman ay hindi niya raw ako magugustuhan." Humugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago ulit tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lang akong naapektuhan sa mga titig niya. Pati heartbeat ko bumibilis ang pagtibok. Shit! Bakit ganito? Matagal na siyang umaaligid sa akin at nagpapalipad hangin pero ngayon ko lang nadama sa kanya ang ganito.

"Oo nga pala straight ka at imposibleng pumatol sa akin. Kaya ngayon pa lang ay titigilan na kita." Sabay alis na niya. Sinundan siya ni Kuya palabas ng bahay. Habang ako naman ay naiwang natutulala.

Iyon na ang huling beses na nakausap ko siya. Ang halos araw-araw na pangungulit niya sa akin sa school ay biglang natigil. Aaminin ko na medyo namimiss ko ang pangungulit niya. Nakikita ko siya minsan na kasama nina Kuya at mga barkada nila pero never na niya akong tinapunan man lang pansin or ng tingin.

Hindi na rin siya nagagawi sa bahay namin na siyang lubos na ipinagtataka ng parents namin. Sinabi ni Kuya Den-den na binasted ko raw ito. So natigil na rin sila sa kakatanong sa amin.

Hanggang sa nabalitaan na lang namin na lumipad na siya patungong America upang mag-aral muli. Ang araw ng graduation nila ni Kuya ay siya ring araw ng kanyang pag-alis ng bansa. Balak ko pa naman sana siyang batiin sa araw na iyon. Ngunit wala na pala siya.

I feel so stupid sa pangbabalewala ko sa kanya noon. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat kung kelan nawala na siya ng tuluyan.

***End of Flashback***



"Hi guys! Kamusta?"

Sabay kaming napatingin sa magandang babaeng nakatayo sa harap namin. Maiksi ang buhok at napakasexy sa suot na black dress. Light lang ang make-up niya pero sobrang ganda niya. Teka si...

"Oh, God! Pards?!!" Gulat na gulat na bulalas ng Kuya ko.

Bigla itong ngumiti na halos hindi na makita ang bilugang mga mata. OMG!!! Siya nga..

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now