Pilit naman inaalis ni Glaiza ang mga kamay ni Kylie na nakayakap sakanya.. hinarap nya ito..

"Kylie please! Hinihintay na ko ni Rhian.. bumalik lang ako dito para kunin ang mga gamit ko at para kausapin ka sana ng maayos pero parang ayaw mo naman akong pakinggan.."-seryosong sabi ni Glaiza dito habang inaalis parin ang kamay ni Kylie na nagpupumilit na yakapin sya

"Si—-sige makikipag usap na ko sayo ng maayos! Please G—-Glaiza... please.."-pag mamakaawa ni Kylie kay Glaiza na halos maging bulol na dahil sa matinding pag iyak..

Nasasaksihan ito ngayon nila Chynna pati narin ang pinsan ni Kylie na si Rafael, naaawa man sila kay Kylie pero wala silang magagawa dahil alam naman nila na si Rhian talaga ang mahal nito noon pa man..

"Babe please.... mag—-mag usap na tayo..."-umiiyak parin na si Kylie

Huminga ng malalim si Glaiza bago ito magsalita at bumaling kila Chynna..

"Chynns, mauna na kayo kila Rhian.. pakisabi nalang na susunod ako, mag uusap lang kami ni Kylie.."-seryosong sabi ni Glaiza

"Sigurado ka tsong?"-tanong ni Chynna at tinanguhan naman sya ni Glaiza bilang tugon dito

"Okay sige, mauna na kami.. ingat ka mamaya.."-nagpaalam na sila Chynna kay Glaiza at nagpasalamat kay Rafael bago tuluyang nilisan ang bahay na iyon..

"Iwan ko muna kayo, nandito lang ako sa kusina.."-paalam ni Rafael at iniwan na ang dalawa sa salas..

Nagsimula ng magsalita si Glaiza..

"Kylie I'm sorry.. alam ko nasasaktan kita ngayon at kasalanan ko yun, kasalanan kong napaasa kita na mas mahal kita, pero maniwala ka man o sa hindi, yun ang pakiramdam ko nung panahong wala si Rhian, masaya ako kapag kasama kita.. totoo rin na minahal kita.. pero kasi nung dumating si Rhian, nung bumalik sya at makita ko sya ulit, naramdaman ko na tumitibok parin pala ang puso ko para sakanya.. nung nakita ko sya ulit, nasabi ko sa sarili ko na hindi ko na ulit pakakawalan ang babaeng to.. tumibok ulit ng mabilis ang puso ko.."-mahaba at seryosong sabi ni Glaiza..

Nakatingin sya sa mga mata ni Kylie na may kapatawaran dahil kitang kita nya  sa mga mata nito ang sakit na dinulot nya..

"Pero bakit mo sinabing mahal mo ko nung nasa park tayo? Eh samantalang nandon naman si Rhian! Bakit sakin mo sinabi at hindi sakanya kung totoong si Rhian parin ang mahal mo? Glaiza... please baka naguguluhan ka lang.."-umiiyak parin na sabi ni Kylie habang hinahawakan ang muka ni Glaiza

"Dahil galit parin ako nun sakanya! Dahil pilit kong pinapasok sa isip ko na ikaw ang girlfriend ko kaya ikaw dapat ang mahal ko! Nung sinabi ko sayong mahal kita nung araw na yun, si Rhian ang nasa isip ko.. I'm sorry Kylie.. I'm sorry..."-sincere na sabi ni Glaiza at tinanggal ang mga kamay ni Kylie na nakahawak sa muka nya

Sobrang nasasaktan si Kylie sa mga narinig nya kaya hindi nya napigilan ang sarili at sinampal si Glaiza..

*pak!*

"Sige Kylie kung dyan ako makakabawi sayo, ang sampalin ako ng paulit ulit, sige ito ang muka ko, sampalin mo hanggang sa magsawa ka, hanggang sa malabas mo ang sakit na nararamdaman mo.."-si Glaiza na kinukuha angga kamay ni Kylie at pilit isinasamapal sa muka nya

"Kung tapos kana, maaari na ba akong umalis?"-lalakad na sana palayo si Glaiza ng muli syang yakapin nito

"Please Glaiza.. wag mo naman gawin sakin to.. please? Ako nalang ulit Glaiza... kung gusto mo, umuwi na tayo ng Pinas.. please?? So—-sorry kung nasampal kita... so—-sorry di ko sinasadya.. nasaktan lang ako.."-wala parin tigil sa pag iyak na sabi ni Kylie

Besfriends Into LoversNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ