Chapter 1

220 56 52
                                        

Masarap ba maging sikat sa school?  Yun tipong pinag kakaguluhan ka ng buong studyante na para kang artista. Siguro masarap nga diko pa nararanasan kung mararansan ko man, malamang famous ako sa mga bully. Pero dahil nag-iingat ako sa buhay at ayoko magulo ang tahimik ko hangga't maari umiiwas ako sa mga gulo.

Napatingin ako sa bintana mula sa 3rd floor. Bigla-bigla mo na lang maririnig yun hiway ng mga tao sa ibaba na akala mo may artista. Napapabuntong hininga na lang ako at mapapa- sana all na lang.

Ipapakilala ko sainyo ang top 3 Royalties ng Lithium Academy o sa kilalang student council

Top 3 prince
Kiel Anderson
    The Secretary, ang babaero sa school, grabe yan parang  nag papalit lang ng damit kung mag-girlfriend at siyaa din pinaka makulit sa lahat.

Top 2 princess
Helena Celestial,
   The Vice President at ang Prinsesa ng Academy. Mabait at masasabing mong friendly.

And lastly ang King ng L.A

Aze Farago
    cold, matalino dahil sya lang ang nakaperfect score sa entrance exam.

Habang tinititigan ko sila. Biglang tumingin si Aze sa direksyon kung nasaan ako. Sa sobrang taranta ko bigla ako napaupo at nag-tago. Napahawak ako sa dib-dib ko wala bang nakapansin?

"OMG nakita mo yun girl tinignan ako ni Azeeeee"

"Gaga ako tinignan nya!!"

Napapikit na lang ako at napabuntong hininga. Umayos na ako at bumalik sa upuan ko. Haist yan ang sinasabi kong umiiwas ako sa gulo sa totoo lang sya talaga ang iniiwasan ko kapag andito ako sa skwelahan dahil kapag nalaman nilang may connection ako sa top prince nila haist goodbye freedom na talaga ako. Ang dami pa naman nyang fans ano bee.

Tuwing lunch break pumupunta ako sa rooftop dahil ako lang ang pwede pumunta dito syempre V.I.P ang lola nyo

Binuksan ko na yun lunch box ko ahh heaven ang sarap ng pag-kain ko !! Susubo na sana ako ng biglang may nag-salita sa likod ko.

"Wala ka bang balak ibigay pag-kain ko?" Malamig na may halong asar sa tono nya kaya tumingala ako at nakita ko ang gwapo nyang mukha mas gwapo pa sya sa mga Idol sa TV

"Oh hi prince andyan ka na pala tara kain" pang asar na tugon ko sakanya. Nakita ko sa gwapo nyang mukha na asar sya sa sinabi ko kaya natawa ako ng mahina.

Wala pang sabi-sabi at naupo talaga sa harap ko.

"Bakit naupo ka dyan?" Takang tanong ko sakanya at eto na-naman yun mukha nyang naasar sa sinabi ko.

"Nagugutom ako bakit ba" pabebe nyang sagot natutuwa talaga ako sa taong ito. Napangisi ako ng may naisip akong kalokohan.

Kumuha ako ng kanin at ulam tsaka itinapat sakanya "say ah' darling" sweet kong tugon sakanya na ikinagulat nya

Napakunot sya ng noo at sabay sabing "Ano na-naman tong kalokohan mo?" Ah eto pinaka da' best part yun nakakunot yun noo nya ang gwapo nya talaga kilig kong tugon sa utak ko. Kaya napanguso ako napara bang nagtatampo para hindi halata na kinikilig ako.

"Edi' sinusubuan ka diba nagugutom ka na?" Nakikita ko sa mukha nya ang pag tataka ng bigla syang ngumisi na mas lalong nakakadagdag ng kapogian nya shems!! Di ako handa na makita sya ng ganun. Bigla nya hinawakan ang kamay ko ng may pag iingat at unti unting sinubo yun kutsara habang nakatitig sakin ng malagkit pag katapos nya nguyain

"Salamat darling" na kadahilanan para mag wala puso ko !! Kaya binalibag ko yun kutsara pa punta sakanya at umiwas ng tingin

"Kumain ka na mag-isa mo!!" Narinig ko syang tumawa ng mahina alam ko naman na sobra na kong namumula sa harap nya kaya nag patuloy na ako sa pag kain.

"Bakit nga pala andito ka ? Diba kasabay mo lagi kumain yun prinsesa mo?" Di ko alam kung paano ko sya sinabi pero bigla syang ngumisi.

"Bakit selos ka?" tugon niya na may halong pang-bibiro sa tono nya..

"Ha! Asa ka noh sayo mag-seselos ako? In your dreams!!" Pag-mamaldita ko sakanya di naman ako nag-seselos hindi talaga! Konti lang!

Narinig ko bigla syang natawa ng mahina " syempre andito ako para saluhan ang asawa ko, bakit masama na ba?" Dahil sa sinabi nya mas lalo ako namula at sinubo yun kanin na punong-puno sa kutsara nakakaasar tong pogi na'to!!

Oo tama kayo sa nabasa 'ASAWA KO SYA' one month na kaming kasal kaso sa contract pa lang dahil wala pa kami sa legal age which is 18 kaya napag kasunduan ng mga lolo namin na sa papel muna kami ikasal. Sa totoo lang, baby pa lang kami meron ng kasulatan at ayun ang pinang-hahawakan namin. Okay lang sana ikasal ng maaga pero hindi ko maintindihan bakit kailangan parehas pa kami ng pinapasukan. Mapapahampas na lang ako sa noo sa isipan ko.

"Oo nga pala" pag-putol nya sa katahimikan "mamaya meron tayong dinner kasama si Lolo kaya bibili tayo ng damit mo" seryoso nyang tugon habang kumakain sya.

"Bakit? Pwede na yun mga damit ko sa bahay." Pag-tutol ko sakanya. Ayoko talaga ng gastos!!

"Ha?" binaba nya ang kutsara nya at tumingin sa akin ng seryoso "Ipapaayos kita sa ayaw mo man o sa gusto, ayoko naman sabihin ni Lolo na pinapabayaan kita. Tignan mo nga yan itsura mo. Kapag nakita nya kung paano ka manamit dito. Ano mukha ihaharap ko sa pamilya at lolo mo?" tingin nya sakin sa buong katawan "Bakit kasi ayaw mo mag ayos.?" Iling na tugon nya.

Napataas ako ng kilay sabay tingin sa katawan. "Eh mas Kompprtable ako sa ganito" tsaka bakit ba dahil dito nagiging tahimik buhay ko I'm wearing glasses dahil ayoko mag contacts mahirap mag suot noh then naka braid yun mahaba kong buhok na color brown natural color to mga teh. At yun suot kong damit over size sakin siguro mga medium ayoko ng fitted. Payat ako ay sexy pala pero ayoko nung nakikita kurba ko.

"Haist bahala ka sa buhay mo sige una na ako may meeting pa kami diretsyo classroom ha" pag kasabi nya yun ay ginulo nya buhok ko. Aist ang hilig hilig nya ako i-pat lagi nagiging hobby na ata nya yun kasi tuwing nag kikita kami lagi nyang pina-pat ulo ko kaya todo iwas ako sakanya pag nasa school.

Nang matapos ako niligpit ko na lahat ng lunch box ko tsaka umalis. Si Aze talaga nag bigay sakin ng susi sa rooftop para may lugar kami na pag kakakitaan.

Nang makabalik ako sa classroom ganun pa din amg setting walang pumapansin sakin. Matalino naman ako dahil kasama ako sa top 10 sa buong School di ako pwede bumaba sa top 10 dahil nakakahiya naman sa asawa kong top 1 tss.

Ayun fastforward na natin maaga natapos class namin at napatingin ako sa cellphone ko dahil nag text so Aze

From: Asawa kong Yelo
Subject: ...

"Erin hintayin mo ko sa park malapit sa bahay diretsyo ako doon after ng meeting namin.

Ps. Mag ayos ka pwede"

Naparoll eyes na lang ako napaka bossy talaga.

Kami lang talaga nakatira sa bahay oo kami lang pero mag kabukod kwarto namin.

Nag bihis na ako ng simpleng bistida at tinanggal ko na yun braid ko at lumadlad yun natural curly hair ko nag lagay na din ako ng contacts dahil magagalit sakin yun pag naka eye glass ako.

My Husband Is The Campus Idol (On-Going) #PHTimes2019#WSAwards2018Stories to obsess over. Discover now