-1-

51 4 0
                                    

(PARA TO SA MGA NAKAMOVE-ON NA!!! AT NAKAHANAP NA NG PANIBAGONG PAGIBIG)

Isang pagbabalik tanaw
Sa kung paanong sigla ko noong sumulat ng akda. Akdang palaging ikaw ang bida at paksa. Akdang sinusulat ko ng may ngiti sa muka. Ngunit sa pagbalik tanaw biglang linya ay kumaliwa. Matagal tagal narin kasing akoy nawala. Sa pagsulat ng akda tila sigla'y di tumalima. Pagkat ang paksa ng aking mga akda, ay tila isang bula, nag mistulang bahagharing unti unting nawala.
   Katulad kung paanong sa aking mga obray nanghina, ng dahil sa puso kong niluray mong bigla. Magpilit mang sumulat ng paksa. Yon ay hindi ko magawa! pagkat ang papel na aking nilalapatan ng mga letra ng hinanakit na nais kong ilimbag ay nauuna pang maupos ng dahil sa mga butil ng luha na nais kong ibuhos.
    Mga letrang nais kong isigaw, sa pagasang ang makakarinig ay tanging ikaw.
    Matagal tagal narin ako sa ganyang posisyon. Matagal kong inasam na muliy bigyan mo ng atensyon. Kung sa pagtagal ay tila namanhid na,tila naparalisa. At nakalimot na.
   Ang utak kong tila natulog ng mahabang panahon,ang puso kong tila nabato sa pagkabigong dulot mo. Ay nagkaroon ng bagong siglang. Siglang bago sa pakiramdam. Siglang ikinukumpara ko noong ikaw pa ang iniikotan, ng mundo kong tila naligaw. Puso kong naligaw na ngayo'y alam na ang dereksyon at hindi pala papunta sayo yon. Kundi sa kanya.
   Sya na dahilan kung bakit ang labi koy may ngiti na,Sya na dahilan kung bakit mata koy may kislap na. sya na dahilan ng malakas kong pagtawa. Na kung minsan mukang baliw na,dahil sa saya na nadarama ng dahil sa kanya.
   Sya na dahilan kung bakit ngayon ako'y tumitipa ng mga kataga, at muling lilikha ng panibagong akda. Akoy susulat muli ng walang hapdi kundi puro ngiti.
    At ang unang akda na tinipa ay para sayo padin. Sapagkat ikaw ang dahilan ng aking paghinto at syang dahilan ng bawat pagguho, ay sya ring dahilan kung bakit kami nagtagpo. Salamat sayo aking dating minamahal, kung hindi dahil sa pananakit moy wala akong matututunan. Hindi ko din sana sya matatagpuan. Ang taong sa aki'y labis na nagmamahal.

01/09/17-heneraL

BLACK'S LISTWo Geschichten leben. Entdecke jetzt