CHAPTER ONE

9 1 0
                                        

I hope magustuhan niyo! He he geh basa na! Hihi!


"O bat nakasimangot na naman yang mukha mo?" Tanong ni dash kay Sophia

"Dahil sayo! Binasted ako ni marga!" inis na sabi niya, Sabay hagis ng nasirang bulaklak ibibigay sana niya sa nililigawan niyang babae si marga pero hinagis lang into pabalik sakanya at Sabay sabi niyang hinding hindi niya ito magugustuhan. Inis na umupo si Sophia sa sofa

"Ikaw naman kase babe! Sabi ko naman sayo tayo nalang eh! Pinipilit mo pa kaseng magpakalalake! Pa kiss nga!" Pang aasar ni dash at aakmang hahalikan siya.

Agad tinulak ni sophia si dash. "Yuck! Tumigil ka nga! Lumalapit ka pa lang nandidiri na ako! Hoy dashio Hindi tayo talo! Pareho tayong lalake!" Umay na umay na sabi ni sophia pero mas lalong humalakhak si dash

"Alam mo ikaw sophia ang ganda ganda mo pero tibo ka. Maawa ka sa tatay mong namatay na hindi na kakalat ang lahi!

"Wala kang pakealam! Bad trip na ako dahil binasted ako ni marga dahil ikaw ang gusto niya! Kaya wag mo ng dagdagan inis ko sayo!"

"Palagi namang mainit dugo
mo sakin eh, pero punta ka parin ng punta dito. Ano ba kaseng magagawa ko eh ako ang nagugustuhan ng mga babae at hindi tulad mong tibo?" Patuloy na pang aasar ni dash.

"Kakaiba ka talaga dash! Ang yabang mo! Kaya d na kailangan ng electric fan dito sa bahay mo eh! Magsalita ka pa lang anlakas na ng hangin!" Pambabara ni sophia Sabay tayo "Wala ka bang pagkain dyan? Gutom na gutom na ako!" Reklamo niya habang hinahawakan ang tiyan, saka pumunta ng ref at naghanap ng pagkain para magluto.

"Huwaaat?!? Ano ba naman to?! Walang ibang laman ang ref mo kundi tubig. Anong lulutuin ko dito? Sinabawang tubig? Pritong tubig?!"

"Sinabe ko bang magluto ka? Alam mo naman na sa pogi kong to mga chicks ko na nagdadala ng pagkain dito kaya d na kailangang magluto."  Preskong sabi ni dash.

"Kilabutan ka nga sa sinasabe mo. Yung balahibo ko tumayo na!"
"Alam mo Sophia tibo ka talaga. Ikaw lang ang babaeng Hindi naakit sa mala Adonis kong kagwapuhan."

"Parang nawalan na ako ng gana cge aalis nako." Sabi ni sophia at aakmang aalis na pero bigla siyang pinigilan ni dash nang mahawakan ang braso niya bigla siyang kinabahan. Bago ang pakiramdam na iyon sakanya.
Para siyang nakukuryente sa pagkakahawak into.

Sa inis ay inapakan niya ang paa ni dash.

"Aww!"

"Huwag na huwag mo kong hahawakan dyan! Bakla ka ba?!" Inis na sabi ni sophia at hinablot ang kuwelyo ni dash na aakmang manununtok.

"Hindi na, hindi na! Bat ba ang sungit mo? Meron ka ba Sophia? Pinigilan lang naman kita para sabihing—"

"Sabihing ano?"

"Sabihing may cake na binili yung girlfriend ko nandoon yon sa kuwarto. Hindi na nalagay sa ref pero kaninang umaga lang niya dinala. Kakainin ko na sana pero parang gutom na gutom ka at dahil maawain ako sa kapus palad ibibigay ko nalang para sayo"

"Maawain sa kapus palad? At ginawa mo pa akong pulubi ha. Ayus ayusin mo kung ayaw mong putulin ko yang mammoth mo!" Pananakot ni sophia.

"Uy! Gusto ko yan! Baka sakaling kapag nakita mo tong junior ko, bigla kang maging babae." Sabi ni dash sabay tawa.

"Siraulo!" Itinulak ni sophia so dash na parang papel na nalaglag sa sahig. Lampa! Pagkatapos ay pumunta na siyang kuwarto nitong Parang dinaanan ng bagyo. May nakita pa siyang panty ng babae. Bigla siyang naumay at napailing iling. Napaka babaero talaga ni dash. Pero d niya naman masisi ang kaibigan dahil habulin talaga into ng mga babae, na siya namang kabaliktarn niya. Palagi kaseng basted si Sophia sa mga nililigawan.

To be continued...

A/N. Sana magustuhan niyo ang story ko hehe tsaka dont forget to vote! Maraming salamat! Lovelots!

FRIENDZONE Stories to obsess over. Discover now