HAVEYOUSEENTHISGIRL

Start from the beginning
                                    

Syntax Error at Runaway ang bandang laging pinaglalaban sa storya kaya naman pati dalawang lead singer ng grupo ay magkalaban na din sa babaeng bida. Pero hindi lang sa storya nagaganap ang rivalry nila dahil pati sa outside world nagbabangayan na rin ang mga fans nila, pati mga kaklase ko nakisali pa...

"Dapat si Kevin nalang sa kanya para di maging Voiceless ang feelings nya."

"Anong Kevin ka diyan, mas bagay sila ni Sync no kasi pareho silang voiceless."

"Mas bagay sila ni Kevin!"

"Mas bagay sila ni Sync!"

"Kevin!"

"Sync!"

Haay... ang gulo nila mabuti pag wag na kong makisali't magpokus na lang sa 'king binabasa..

Basa...

Basa...

basa...

Bigla, ako'y napatigil sa 'king ginagawa dahil sa harapan ko silang dalawa'y nakatayo na..

"Oh... Bakit ano kailangan niyo?" nagtatakang aking tanong..

"SINO MAS GUSTO MO SI SYNC O SI KEVIN!!" Wow lang ah talagang sabay pa silang dalawa..

hmmph...

isip

isip

"Si Memo sakin... Haha!"

Mukha nung dalawa'y naging ganito pa man din..

=__=+

Mahirap na anuman ang isagot ko sa kanila sigurado akong sa huli, ako pa din magiging kawawa... HAHAHA!

Teka nga may napapansin na ako bakit ako nagiging makata ngayon? Psh! Wala pa namang buwan ng wika... Back to normal na nga.

Kala niyo sa DNP lang ako may wagas scene sus pati sa voiceless mer0n din...

Nangyari yun nang nagkaroon ng culmination ang P.E. 2 dance...

Lahat ng matututunan niyo ay ipapakita niyo parang final dance show... Yung parang ganun. Ah basta yun na yun. ^.^

Nanood din ako nun kasi magsasayaw din ang mga kaklase ko. Oo na di ako kasama sa kanila. Tsk! Parehong kaliwa paa ko no, at saka martial arts ang P.E. ko. Kaya wag kayong magkakamaling awayin ako marunong akong manggulpi. Hehe.

Ayun na nga nanood kami para i-cheer ang aming kaklase. Sigaw ako ng sigaw ng sila na ang sumayaw but after their performance nawalan na din ako ng gana. Namimili? Hehe! Pero kasi naman eh wala namang havey dun sa mga sumunod. Kaya ayun nagbasa na lang ako pati kaibigan at kaklase kong si Ethyl nagbasa na lang din. (Ako nag recruit diyan. Haha) seryoso lang kami sa aming binabasa nang biglang...

Tentententen..

( 0__0) (0__0 )

Ethyl. Ako.

"WAAAAAAAHH!!" kaming dalawa..

Grabe kami nakasigaw parang mas malakas pa ang sigaw namin kaysa sa tugtog paano ba naman kasi nagulat kami noh.. Bigla ba namang nag play ang teaser song ng Voiceless. Ang nangyari imbis na yung mga nagsasayaw sa gitna ang papanoorin ng mga estudyante sa amin sila nakatutok... Oo na kami na wagas maka-react nagulat lang eh... Haha!

11 WAYS TO FORGET YOUR EX-BOYFRIEND

Ang sama nito eh di ako makasabay, wala akong ex eh wala din akong bf. >3< Kahit na ganun binasa ko pa rin ito malay natin balang araw mangailangan ako. At hindi nga ako nagkamali ng hinala nagamit ko nga sya. Ang laking tulong nga eh. Ate Den pasensya na ngayon lang ako magti-thank you. Ang laking tulong ng 11 ways sakin. Paano? Sige ikukwento ko. Yung Professor namin sa comsci e nagpagwa sa amin ng powerpoint. Tapos Kailangan daw may topic and dapat my pictures... Namroblema talaga ako nun e walang internet connection computer namin san ako kukuha ng pics? Nalimutan ko pa talaga flashdrive ko. Buti nalang talaga yung schoolmate ko na gumamit ng computer before sakin e nag-save ng picture kaya ayun solve na problema ko tungkol sa pics... Kaya lang nung nakaharap na ako sa monitor nganga pa rin ako.

Anong isusulat ko??? Maya-maya my nag-txt sakn ang laman.

'Shim., tapos ko na DNP grabe tawa ako ng tawa ang ganda ng story...' o diba pati txt cla pa din ang topic...

Nirekomendahan ko naman agad sya ng iba pang stories ni Ate Den at doon ko naisip gawing topic ang 11 ways. 5 ways lang ang ginamit ko buti nga yung pictures tumugma sa topic ko. Haha! ayun nung i-check ni professor ginawa ko... Sabi niya

"Iba na talaga pag brokenhearted..." napailing-iling pa sya.

Wahahaha! Kung alam lang niya...

I MET A JERK WHOSE NAME IS SEVEN.

Ang storyang tumalo kay Memo. Haha! Ang jerk na hilig mang-stole ng pics ni Annika pero crush niya pala. Siguro crush ako ni *toot* kasi kinukuhanan niya din ako ng picture... Pero imagination ko lang yun. HAHAHA!

THAT GIRL 2

Ate Denny matanong nga kta stalker kita noh? Bakit kilala mo ako?

Haha! Ate Den peace... ^__^v kasi naman yung 10 things about that girl parang ako lahat dinescribe nun e ahm... except n0. 4 I don't know how to burp. Hehe.

1. That girl is annoying and irritating.

Ako reyna pagdating diyan e... Pag wala akong ginagawa o di kaya boring araw ko bubulabugin kita 24/7 damay-damay na tayo. Hahaha! Buti nalang lovable naman daw ako kaya marami pa rin akong friends.

2. That girl is a tone deaf

Gusto niyo masubukan...

...Do,re,mi

Ay wag na lang baka mapaaga end of the world ako pa sisihin niyo.

3. That girl has a memory of 150 yr. Old person

Ano nga ulit pangalan ko? Hehe! totoo I always forget things, lagi nga akong napapabalik ng bahay kahit nasa school na ako, para balikan mga naiwan ko. Laluna yung I.D ko.

4. That girl burps like a fat guy.

Ay hindi na ako yan.

5. That girl is such a crybaby.

Ayan na naman sila oh inaasar na naman nila ako huhuhu...

6. That girl is a whiner.

Nakakapagod maglakad sa school ha ang init-init, ang layo-layo pa ng mga rooms, nakakatakot pa yung mga teacher, boring naman magturo, nakakatamad magsulat... >3<

7. That girl is so childish...

100% ako diyan, mahirap magpakamature dami problema e... Haha!

8. That girl is a deceiver.

Naman, ako magaling dyan actress ako e... Dami ko ngang nagu-good time sa mga kalokohan ko.

9. That girl is so gullible

Parehas ni that girl kahit alam kong nagsisinungaling siya, pinipili ko pa rin na paniwalaan ang mga sinasabi niya. Well, depende na rin naman sa taong paniniwalaan mo kung may conscience siya madali lang naman bumalik ang karma e.

10. That girl is afraid of explosions

Bomba, granada takot talaga ako diyan masabugan palang ako haha.

Ate Den diba wala pang name si that girl 2? Ako nalang kaya... hahaha!






HAVEYOUSEENTHISGIRL and ALYLOONY fan fictionWhere stories live. Discover now