Chapter 23: Back to school and new friend?!

Magsimula sa umpisa
                                    

“ Hoy, di ka pa nakakakiss sa daddy mo!” Sigaw ni Niko

At lumingon si Tammy at sabay flying kiss at sinalo naman ito ni Niko

“ Salamat ulit dito sa sandwhich” sabi ni Tammy at tuluyan na umalis.

 Nang maka alis na si Tammy lumapit si Niko kay  Vlad na busying busy nag kakape

“ Bro, sa tingin ko para sau itong kiss na ito”  sabay  buka ng palad niya at pinahid sa mukha ni Vlad

“ Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!!!” sigaw ni Vlad habang nakatingin ng masama sa kanyang bff

“ Binibigay ko yung kiss ni Tammy, kung ayaw mo ibalik mo nalang sa akin” Sabi ni Niko sabay lapit ng mukha niya kay Vlad

Tumingin lang si Vlad

“ Dali na kiss na, balik mo na sa akin ung kiss Tammy sa akin, kung ayaw mo! Sabi ni Niko

" Ewan ko sayo! " -Vlad 

" Yiheee gusto rin!! Ayaw ibalik " Asar ni Niko 

 *******************************************************************************

Pagkahatid sa akin ni Elmo, umalis rin siya agad kasi bukod sa malalate na siya, bawal siya pumasok sa loob ng building namin. Buti nalang wala pa yung prof namin at may time pa ako makipagkilala sa mga classmate ko pero malabong mangyari yun kasi pagkapasok na pagkapasok ko lahat sila nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa . 

Jusmiyo bakit sila ganyan makatingin sa akin para nila akong kakainin. 

" Excuse me, may nakaupo ba dito? " Tanong ng isang magandang babae 

" Wala" Sabi ko habang nakangiti ng wagas kasi finally may kumausap na sa akin. 

" Ah pwede ba dito nalang kami umupo? " Tanong ulit niya 

" Sure sure!! "  sabi ko ulit 

" Girls! Dito nalang tayo umupo sa tabi ni miss? 

" Tammy, Tammy Kim! "

" Ako nga pala si Olive, at siya naman si Stella at ung isa naman si Nicole. 

" Hi!" Bati ko sa kanila

" Hello" Kaway naman nila sa akin 

" Bago ka dito noh, kasi ngayon ka lang namin nakita dito"- Stella

" Oo, kaya wala pa nga ako kakilala ni isa eh" - Tammy

" Ano ka ba, okei lang un ngaun kilala mo na kami" sabi ni Nicole sabay kindat

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon