"Ha? Ang oa mo Cha.. kung makapagtanong ka naman sakin.. nag aalala ka sakin noh?"-nang aasar na sabi ni Rhian habang tinataas taas pa ang dalawang kilay

"Kapal mo! Hindi ako nag-aalala noh, hindi mo kasi sinagot yung tanong ni Rafael kaya inulit ko lang.."-pairap na sabi ni Glaiza pero syempre ang totoo nag-aalala talaga si Glaiza ayaw lang nya umamin dahil sa PRIDE nya..

"Asus.... kunwari pang hindi nag-aalala"-pabulong na sabi ni Rhian

"May sinasabi ka Miss Howell?"-taas kilay na sabi ni Glaiza

"Wala! Ang sabi ko, simplemg sakit lang to.. sumama kasi pakiramdam ko kanina at sobrang sumakit yung ulo ko.."-Rhian

"Ewan ko sainyong dalawa! Parang wala kayong kasama.. halika na nga.."-Natatawang pag-yaya ni Chynna sakanila

"Eh kasi nga Chynna, hindi daw sya nag-aalala kay Bestie.. pero nanlalaki lalo ang mata nya pagdating kay Rhian.."-mapang-asar na gatong ni Bianca

Tinignan lang sila ni Glaiza ng masama, siniko naman ni Mike si Bianca at nginuso nito si Kylie na parang pinapaalala nito na kasama nila ang girlfriend ni Glaiza..

"San ba ang next destination natin pare?"-Benjamin

"Pwede bang umuwi na muna tayo?"-wala sa mood na sabi ni Kylie

Tumingin silang lahat dito, alam nilang nawala sa mood ito, alam din nila na dahil ito kay Rhian at kay Glaiza.. 

"Bakit Babe? Are you okay?"-humarap si Glaiza kay Kylie at hinawakan ang dalawang kamay nito..

Naramdaman ni Rhian na parang may pumiga sa puso nya, nasasaktan nanaman sya dahil sa nakikita nya.. nakaramdam din sya ng guilt dahil alam nyang dahil sakanila kaya nawala sa mood si Kylie..

Yumakap si Kylie kay Glaiza at hinalikan ito sa labi sa harapan nila..

"Sumama pakiramdam ko Babe.."-naglalambing na daing nito kay Glaiza

"Ang arte.."-bulong na inis na sabi ni Bianca, siniko naman ito ni Rhian at tumingin ng makahulugan kay Bianca 'tumahimik ka na' yan ang sinasabi ng mga tingin na iyon..

Tumingin si Glaiza sa mga kasama nya na parang nagtatanong kung okay lang ba sa mga ito na umuwi na muna, na-gets naman nila ito at isa isang tumango bilang sagot..

"Okay.. so, hatid muna natin sila Rhian bago tayo umuwi? I guess okay lang sainyo?"-tanong ni Rafael sa mga kasama

"Ah hindi na Rafael, okay na kami ni Bianca.. kaya naman nanamin umuwi.."-sagot ni Rhian dito

"Okay lang, hatid na muna natin sila Rafael.."-Glaiza

"No, it's okay Glai.. okay lang talaga kami ni Bianca.. para makapag pahinga narin si Kylie.."-Rhian

"Are you sure?"-Rafael

Tumango naman si Rhian bilang sagot dito..

"Yun naman pala eh, so let's go?"-pag-yaya ni Kylie sakanila

Labag man sa loob ni Glaiza na hindi maihatid si Rhian, wala syang magagawa.. sa totoo lang, gusto kasi talaga ni Glaiza na ihatid muna ang mga ito, bakit? Kasi gusto nyang makasigurado na makakauwi si Rhian ng safe.. hindi na sya nagpumilit na ihatid ang mga ito dahil alam nyang nakakahalata na si Kylie at ayaw nyang pag-awayan nila ang bagay na iyon..

'Ano ba talagang gusto mo Glaiza?'

'Si Kylie na ba talaga o si Rhian parin?'


Huminga ng malalim si Glaiza dahil sa mga naiisip nya, naguguluhan na talaga sya.. mahal nya si Kylie pero ayaw nyang mawala ulit sakanya si Rhian, oo sigurado na sya don, ayaw nya ulit mawala si Rhian sa buhay nya.. pero paano si Kylie? Ayaw nyang masaktam ito..

Bumalik sya sa realidad ng maramdaman nyang hinihila na sya si Kylie paalis sa kinatatayuan nila, pero parang ayaw pa nya talaga..

"Babe.."-tawag ni Kylie sakanya ng maramdaman nito na hindi sya umaalis sa pwesto nya

Pero imbis na pansinin ni Glaiza yun, ito ang lumabas sa bibig nya..

"Rhian?"-tawag ni Glaiza dito ng makitang nagpapaalam na sakanila ito, nilingon sya ni Rhian pero hindi ito nagsalita..

"Please, take care of yourself okay?"-sincere na tinignan ni Glaiza ang mga mata ni Rhian na para bang nagmamakaawa pa ito na ingatan ang sarili..

"I will.."-nakangiting sabi ni Rhian at naglakad na papalayo sakanila..




.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

A/N: sabaw..😭😭😭 sinisipag ako mag update kasi namimiss ko na ang RaStro.. 😭😭😭

May nagbabasa pa ba nito?

Hanggat may vote at comment tuloy lang sa pag update.. 😊😊😊

Hanggang sa muli.. mahal ko kayo!😘

Besfriends Into LoversOnde histórias criam vida. Descubra agora