"Ang BABAE sa CR"

24 0 0
                                        

Kuwento sa akin 'to ng pinsan kong si Angel.
Tuwing New Year kasi ay kumpleto ang aming pamilya.At siyempre,bonding time na rin namin iyon ng mga pinsan ko at ng iba pa naming kamag-anak.Habang naghihintay  na mag-alas dose ng Gabi ng January 1,nauwi ang kwentuhan namin sa katatakutan.Nang si Angel na ang bangka sa pagkukuwento,ito ang inilahad Niya...

Nag-aaral siya sa Lopez National High School sa probinsya ng QUEZON.Sabi niya,marami raw kuwento ng kababalaghan sa kanilang school.
Katulad na lang ng naranasan nila ng dalawa niya pang kaklase Na pangalanan na lang nating Amy at Patrice.
   Break Time nila noon.Matapos kumain sa canteen,nagpasama si Angel kina Amy at Patrice sa
Cr.Ang totoo daw kasi ay natatakot siya dahil meron daw doong nagpa-pakitang BABAE.
Magkakasama silang tatlo na pumasok sa CR.Natapos na nila ang mga dapat nilang gawin doon at nasa harap na sila ng malaking salamin at naghuhugas ng mga kamay ng biglang namatay ang ilaw.
 
Takot na takot na nagyakapan ang tatlong magkakaibigan.
  "Baka magpakita sa atin 'yong babae!" nanginginig sa takot na bulalas ni Angel.
"Gago ka!'Wag naman sana.Umalis na lang tayo dito!"ani Amy.
Pagbukas ng ilaw,kumalad agad sa pagkakayakap sa isa't isa at pumihit paharap sa Pinto para lumabas, para mabulaga lang sa nakita. Nakaharang daw sa daraanan nila  ang Isang matangkad na babae na nakasuot ng makalumang kasuotan.Parang damit ng mga babaeng Pilipina noong panahon pa ng kastila.Nakasuot daw ito ng belong itim na nakatakip sa mukha nito,dahilan para hindi nila makita nang husto ang hitsyura nito. Ang tanging nakikita lang nila ay ang nakaka-takot at parang nang-aasar nitong ngiti na labas ang mapuputing mga ngipin ang higit paraw na ikinatakot nila ay hindi nakasadya sa semento ang PAA nito, nakalutang raw iyon ng siguro ay dalawang pulgada mula sa lapag.

Nakatulala lang sa babae ang tatlo hanggang naisip nilang magdasal na lang pumikit sila habang halos magkadabulol-bulol sa pagdarasal.Pagkaraan siguro ng mga sampung minutong pagdarasal,naglakas-loob na raw si Amy na idilat ang isang Mata para tingnan ang babae.
  Wala na raw sa pinto---pero may narinig silang tawa ng isang babae sa paligid parang isang babaeng nasiraan ng bait.
   Saka lang nila nagawang tumakbo palabas ng CR at nagsisisigaw.Hindi na rin daw sila naglakas-loob na bumalik SA Cr Na iyon Umaga man,o tanghali,lalo na kapag gabi.Iyong nagpapakitang babae sa CR,Sabi nila,ay nakatira daw dati sa lupang kinatitirikan ng school.Sa mismong kinatatayuan ng CR na pinagpapakitaan nito raw nakatirik ang bahay nito at doon na rin daw ito namatay.
  Nabaliw daw muna ito bago ito magbigti at nagpakamatay.

   Nabaliw daw muna ito bago ito magbigti at nagpakamatay

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

                *End of story 1*

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 28, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

MGA KWENTO'NG LAGIMHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora