“No. We both shall choose.”
Mariin akong pumikit para burahin ang mga iniisip ko tungkol sa dalawa at magconcentrate sa pag-iisip ng kanta.
“Just give me a reason na lang. Duet naman yon diba?” suggest ko.
“Baby, that’s no fun. Rinding rindi na ko sa mga kaklase nating paulit-ulit yang kinakanta sa araw-araw na ginawa ng Diyos.”
“Hmmm. Need you now?”
“Ayoko ng malungkot, baby.”
“Say something nina Christina Aguilera.”
“Baby, you’re kidding me. I hate that song. It makes me sick.”
“Sa bagay. Ang sakit nga sa puso ng kantang yon.”
Damn, damn boy you do it well
And I thought you were innocent
You took this heart and put it through hell
But still you're magnificent
I I'm a boomerang doesn't matter how you throw me
Turn around and I'm back in the game
Even better than the old me
But I'm not even close without you
Binalik ko ang tingin sa ministage. Ngayon si Blaire na ang kumakanta, nakatingin sya sa direksyon namin. Hindi ko alam kung trip nya lang yon o pinapatamaan nya talaga si Kevin. Saktong-sakto kasi yung lyrics lalo na dun sa part na ‘You took this heart and put it through hell’.
Inemphasize nya talaga yung HELL.
Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Kevin. Nakatingin pa rin sya sa songbook. Pinagmasdan ko yung mata nya at napansin kong hindi yon gumagalaw. Nakatitig lang sya. Hindi sya naghahanap ng kanta. Siguro’y nakikiramdam.
If you ask me how I'm doin I would say I'm doin just fine
I would lie and say that you're not on my mind
But I go out and I sit down at a table set for two
and finally I'm forced to face the truth.
No matter what I say, I'm not over you
Ngayong kinakanta na ulit nila ang chorus, nalilito na ako. Ang alam ko’y si Blaire ang pumili ng kanta. May gusto ba syang iparating? I don’t know. Sa pagkakakanta nila ngayon, nalilito na ko kung si Ivan ba o si Blaire ang hindi pa nakakamove-on. O baka nagooverthink lang ako? Baka naman kinakareer lang nila ang tournament kaya ginagalingan nila ang pagkanta?
“And If I had the chance to renew.” Kanta ni Ivan nang nakatingin sa sahig.
“You know there isn’t a thing I wouldn’t do.” Kanta naman ni Blaire na ngayo’y nakapatong na ang kamay sa balikat ni Ivan kaya napatingin sa kanya si Vano.
“I could get back on the right track, but only if you’d be convinced.” Sabay nilang kanta na ngayo’y nagtititigan na. Nakangiti si Blaire habang nakakunot naman ang noo ni Ivan.
“So until then.” Solo ulit ni Blaire pero ngayo’y nakatingin sya kay Kevin. Hindi ko mabasa kung may kahulugan yon kaya si Kevin na lang ang tiningnan ko. Nagulat ako nang nakatingin na din sya kay Blaire. Hindi ko pansin kung kanina pa rin sya nanonood sa dalawa o ngayon lang. Tinitigan kong mabuti ang reaksyon nya. Pagod at malungkot ang kanyang mga mata.
“If you ask me how I’m doing, I would say I’m doing just fine.” Solo ulit ni Vano na nakangiti na rin ngayon kay Blaire.
“I would lie and say that you’re not on my mind.” Sagot ni Blaire na nakangiti pa rin.
“But I go out and I sit down at a table set for two... And finally I’m forced to face the truth” sabay ulit nilang kanta habang nakatingin sa isa’t-isa.
“That no matter what I say I’m not over you.” At tinapos ni Blaire ang kanta habang nakatingin naman kay Kevin. Tiningnan ko ulit si Kevin pero nakatitig na naman sya sa songbook.
“Guys! 99!” sigaw ni Blaire mula sa ministage kaya napatingin ulit kami don ni Kevin.
“Your turn.” Sabi ni Vano na umupo sa gitna namin ni Kevin at uminom sa dala-dala nyang baso ng juice.
“Uhm, CR lang ako.” Sabi ko sabay takbo papunta ng staircase. Dumeretso ako sa common bathroom at naglock ng pinto.
Sandali akong pumikit at muling ngumulat. Tiningnan kong maigi ang reflection ko sa salamin na ngayo’y nakatingin din sa akin.
Mabilis na mabagal ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam. Nalilito ako.
Hindi ko alam kung bakit ang simpleng pakana ko ay nagiging big deal sa’kin. Masyado akong nagooverthink gayong wala namang ginawa yung dalawa kundi kumanta. Pilit kong nilalagyan ng meaning ang bawat lyrics na sinasambit nila at ang bawat titig nila sa isa’t-isa.
Nilapit ko ang mukha ko sa salamin at tinitigan ang mga mata ko.
Nahuhulog ako. Pakiramdam ko ay nahuhulog ako at wala akong makapitan.
I’m falling for him.
And this is no good.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----49th string-----
Start from the beginning
