-----49th string-----

Start from the beginning
                                        

“Baby, sigurado ka ba dyan? Hindi accurate magscore ang mga videoke.” – Kevin

“Okay lang yan! To naman, maiba lang. Swertihan na lang. HAHAHAHAHAHA”

Malakas ang loob ko kasi tinuruan ako ng trick ng pinsan ko dati. Basta daw malakas ang boses, mataas ang magiging score sa videoke kahit di maganda ang pagkakakanta.

Nagkampihan na ulit kami. Ang resulta?

VinLee at BeVan.

Bakas na bakas na naman ang pagkadismaya ni Vano at nangingibabaw naman ang kaligayahan ni Kevin. Si Blaire naman ay excited na tumitingin ng kanta sa songbook.

Bumaling sakin ng tingin si Vano at sumimangot. Hindi ko na sya maipinta. Kanina nung kapartner ko sya ay banas sya. Ngayong hindi ko sya kapartner ay banas pa rin sya. Pag nagpatuloy sya sa kagaganyan, babangasan ko na sya.

Umakyat na sa stage si Blaire at Ivan. Abala naman kami ni Kevin sa pagscan ng songbook. Umupos si Ivan sa cute na upuan samantalang si Blaire ay dun naupo sa high chair na mula sa bar counter.

Napatigil ako sa paglilipat ng pahina ng songbook nang nagsimulang tumunog ang speakers na nasa magkabilang gilid ng ministage.

NP: Not Over you (Gavin Degraw)

(A/N: Maganda tong kantang to. Try it. :) http://www.youtube.com/watch?v=3WE5uofbkIk)

Nagsimulang kumanta si Ivan. Kanta to ni Gavin Degraw pero kung hindi ako nagkakamali, yung cover ni Corey Grey at Madilyn Bailey ang gagawin nila.

Dreams, that's where I have to go

to see your beautiful face, anymore

I stare at a picture of you and listen to the radio 

Seryoso lang syang nakatingin sa screen at binabasa ang lyrics. Halos mapapikit ako dahil sa sarap pakinggan ng boses nya.

Hope, hope there's a conversation

where we both admit we had it good but

until then it's alienation, I know, that much is understood

And I realize

Habang kumakanta sya, biglang nagflashback sa’kin yung mga kinwento nya tungkol sa kanila ni Blaire. Napamulat ako at napahawak sa dibdib ng makaramdam ng kirot sa loob nito.

If you ask me how I'm doin I would say I'm doin just fine

I would lie and say that you're not on my mind

But I go out and I sit down at a table set for two 

and finally I'm forced to face the truth

No matter what I say, I'm not over you

Not over you

Bumalik sa ministage ang atensyon ko nang sabay na silang kumanta sa chorus. Muling nalaglag ang panga ko. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang boses ni Blaire habang kumakanta. Ang karaniwang malambing nyang boses ay lalong naging masarap sa tenga ngayong nagsesecond voice sya kay Vano. Maganda ang blending nila. Bukod don, maganda ang chemistry nila. Nakatingin sila sa isa’t-isa at parehong nakangiti habang sinasambit ang mga lyrics ng kanta.

Now I’m wondering if they’re just singing through their hearts or they’re saying what’s on their mind. Kung yung pangalawa ang tama, hindi ako magdadalawang-isip na isiping hindi pa nakakamove-on si Ivan at may namamagitan na sa kanila.

“Hey, baby. What song do you like to sing?” tanong ni Kevin na patuloy sa pagscan ng songbook.

“Ha? Ikaw bahala. Ikaw na lang mamili.”

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now