Pupwesto pa lang ako nang hinawakan ni Vano ang siko ko.
“Don’t. Aim for 11.”
Tiningnan ko kung saan nakapwesto yung 11 pero kumunot ang noo ko nang makitang nasa alanganing pwesto sya at malabong maipasok ko iyon sa pinakamalapit na pocket.
“Walang pakelamanan, Vano.” Mayabang kong sabi sabay alis ng kamay nya sa braso ko.
HUH. If I know, ayaw nya lang ng makashoot ako. Ang gusto nya ay sya lang ang magpapasok ng lahat ng stripes.
“Tsk. Hinaan mo lang ang tira.” Utos nyang hindi ko na pinansin.
Pumwesto na ko, ipinatong ko ang tako sa plangketa kong awkward na palaging tinatawanan ng mga pinsan ko. Tinira ko ang cue ball at laking ligaya ko nang pumasok nga ang 13. Halos magtatalon ako sa tuwa at tiningnan ko si Vano para magyabang pero sa table pa rin sya nakatingin. Sinundan ko ang titig nya at nakitang patuloy na gumugulong ang cue ball sa mesa. Nasa kalagitnaan na sya at sa di inaasahang pangyayari, dumaplis ito sa 8-ball na dahilan para ito’y umandar ng dahan-dahan, dahan-dahan hanggang sa pumasok ito sa gitnang pocket.
“Alright! Game over!” sigaw ni Kevin sabay apir kay Blaire na nakayakap sa tako nya at nakangiting tagumpay.
“HUH? Panalo na ba tayo, Vano?” tanong ko sa partner ko na ngayon ay isinasandal na ang kanyang tako sa pader. Pumunta sya sa bar counter at ininom ang juice na inihanda ni manang kanina.
“Baby, you lost.” Sabi ni Kevin sakin sabay akbay.
“Leeanne, pocketing the 8-ball when you still have an object ball means defeat.” Sabi ni Blaire na pinapat ang likod ko.
SHEEP. Nawala yun sa isip ko. Tinitigan kong maigi ang billiard table na naglalaman ng tatlong bola. Yung number 7, number 11, at yung cue ball.
I’m doomed.
“Oh yes, baby. That means I’m leading now with two points, Ivan and Bella both have 1 point, and you, my future submissive, is at the bottom with no points at all.”
Inalis ko ang akbay nya sa kin at naupo sa sofa. Napaface palm na lang ako.
Tinabihan naman ako ni Kevin at muli akong inakbayan.
“It’s okay, baby. I won’t be hard on you as my submissive.”
Hindi pa rin ako komportable sa term na ginagamit ni Kevin. Ngayon ay gusto ko na lang umatras sa tournament na to at umuwi na lang sa Dasma.
“What’s next?” walang ganang tanong ni Ivan na umuupo sa katabing couch na inuupuan ko.
“Pwede bang maiba naman? Yung tipong hindi ako dehado. Mapapauwi ako ng Dasma ng di oras e.”
“Hmm. What do you suggest?” tanong ni Blaire na umuupo sa isa sa mga high chair sa bar counter.
“Videoke na lang oh?” hamon ko sabay turo sa ministage.
Tinawanan ako ni Blaire at Kevin. Samantalang si Vano ay tahimik na nakaupo habang nakapikit. Hindi ko alam kung galit ba sya sa kin sa pagpapatalo ko o nananalangin na sya na sana hindi na nya ko makapartner.
“Hoooy wag nyo ko tawanan seryoso ako. Ganto gagawin natin. By partner ulit. Wait, dalawa ba yung mic nyo?” tanong ko kay Blaire habang nangangalikot na sya sa cabinet. Siguro’y naghahanap ng mic at song book.
“I’ve got 2.” Sagot nya sakin at pinakita ang dalawang wireless microphone.
“Yooon! Iniisip ko sana pag-add na lang yung dalawang score ng magpartner e pwede naman palang magduet na lang. Kampihan na!”
ВЫ ЧИТАЕТЕ
No Strings Attached
Любовные романыA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----49th string-----
Начните с самого начала
