-----49th string-----

Start from the beginning
                                        

Nag-isip ako ng mga masasamang bagay na maaaring nagawa ko kay Kevin. Bakit gusto nyang ako ang matalo? Balak nya ba kong ipatapon sa Taal Volcano?

“Get your filthy hands off my colleague. We’ll win this.” Sabi ni Vano kay Kevin sabay hila at abot sa’kin ng tako. “I won’t let that happen, Faye. I’ll win this.” Bulong sa’kin ni Vano tapos lumapit sya kay Blaire na sinasalansan na ang mga bola sa table.

I’ll win this.

I’ll win this.

I’ll win this.

Sa sinabing yon ni Vano, iniisip ko kung anong ibig nyang sabihin. Ang tinutukoy nya ba ay ang larong ito at sya lang ang gagawa para manalo kami kaya ‘I’ ang ginamit nyang pronoun? O ang tinutukoy nya ba ay ang tournament na to at ang ibig sabihin nya’y sya mismo ang mananalo sa aming apat?

Nag toss coin si Vano at Kevin. Nanalo si Kevin kaya sya daw ang magbebreak. Pumwesto na si Kevin sa kabilang dulo at ipinorma ang sarili habang tinanggal na ni Blaire yung triangle na humuhubog sa mga bola.  Malakas na tinira ni Kevin ang cue ball. Nagkandabanggaan ang mga bola hanggang sa may isang nahulog sa bulsa ng mesa.

Eight-ball ang laro namin. Sa KevLaire ang solids at samin ang stripes. Ang goal ng larong ito ay ang maubos namin ang mga bolang nakatoka sa’min bago ishoot ang 8-ball. Ang team na makakapagshoot ng 8-ball ang panalo.

“Get your self together, Faye. All you have to do is to avoid pocketing the 8-ball. Disregard the solid-colored balls. I’ll deal with the stripes.” Bulong sakin ni Vano sabay ginulo ang buhok ko kaya napilitan akong ulitin ang pagkakatali nito.

Sa sinabing yon ni Vano, napagtanto kong hindi sya umaasang may maishushoot akong stripes pero naniniwala syang makakapagshoot ako ng solids. Walang katiwa-tiwala sa’kin ang partner ko.

Anyways, okay lang. Pag billards ang pinag-uusapan, kahit ako ay walang tiwala sa sarili ko. Ngayon pa nga lang ay gusto ko nang dakmain ang 8-ball at ibato sa mukha ni Vano este ishoot sa pocket ng billiard table at ipamukha kay Vano na... na... wala pala akong maipamumukha sa kanya. Siguro nga mas magandang ibato ko na lang yung bola sa mukha nya. Buset.

Nagsimula na ang laro at gaya ng inaasahan ay easyng-easy sa dalawang hambugrao ang billiards. Ang hindi ko inaasahan ay ang kagalingan ni Blaire sa pagalaro nito. Sa kalaban namin, dalawa silang gumagalaw. Samantalang sa amin, si Vano lang ang gumagawa.

Sa ngayon ay limang bola na lang ang natitira. 2 solids, 2 stripes, at yung 8-ball. 5 sa mga stripes ay si Vano ang nakapagpocket samantalang tatlo ang kay Kevin at 2 naman kay Blaire.

“Still good at it, huh?” kumento ni Kevin sa partner nyang kasalukuyang binebend ang kanyang katawan. Inayos nya ang kanyang plangketa at ipinatong roon ang tako. Itinapat nya iyon sa cue ball. She’s aiming for 3. Ang porma nya ngayon ay nakakapagpalaglag ng panga. Bukod sa nababakas na sanay syang maglaro ng billiards, naeemphasize pa ang hugis ng kanyang katawan. naTTBoom na ata ako.

Marahang tinira na ni Blaire ang cue ball at tumama ito sa gilid ng 3 kaya naman dahan-dahan itong gumapang, gumapang sya ng gumapang sa sulok ng table hanggang sa mahulog sya sa dulong side pocket. Ngumiti si Kevin na halatang inaasahan ang pagpasok ng bola sa pocket. Tigatlo na sila ng naishoshoot at isa na lang ang kailangan bago ang 8-ball.

Nagtisa si Blaire pagkatapos ay pumwesto na muli para ipasok naman ang 7. Nagkaroon ako ng pag-asa nang mapansing hindi magiging madali ang pagshoot don dahil alanganin ang pwesto nya. Tinira na ni Blaire ang bola pero naunang tumama ang cue ball sa 13 bago sa 7. Natuwa ako dahil dininig ng genie ang panalangin ko.

Ngayo’y ako na ang titira. Natuwa ako nang makitang nakatapat na ang 13 sa pocket. Konting push na lang ay siguradong pasok na to. Sa wakas, makakashoot na ko ng isa!

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now