-----49th string-----

Start from the beginning
                                        

Confident na confident ang dalawang hambugrao. They love competitions. They really do.

Ano namang laban namin ni Blaire sa mga ungas na to? Bukod sa table tennis, videoke lang ang mapanghahawakan kong makakapagpapanalo sa’kin. Kahit pa sabihing may makakapartner ako sa bilyar,o sa kahit anong laro pa yan, dehado ako. Pero pwede rin namang manalangin na sa bawat laro e magaling ang makakapartner ko. Ayos lang na hindi ako ang maging ultimate winner, wag lang maging ultimate loser. Baka mamaya ang consequence e pagpapatapon sa bulkang taal.

Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. Hinila ko si Blaire sa may ministage at masinsinang kinausap.

“What’s wrong, Leeanne?”

“Gusto mo nang madeads?”

“Huh? What do you mean?”

“Dehado tayo dito, Blaire. Panigurado, yung dalawang hambugrao lang ang mag-aagawan sa trono at tayong dalawa ang mag-aagawan sa inidoro.”

“I see, you lack self-confidence and self-esteem, Leeanne.”

“haa? Eh hindi naman sa ganun. Hindi ka ba natatakot? Baka kung anong ipagawa nila satin pag natalo tayo!”

“No, silly. I told you they’re not going to ask us to do something impossible.”

“Oo nga pero hindi e. Hindi talaga ako naniniwala na walang kalokohang ipapagawa satin yung dalawang yun! Mga pervert sila, abnormal, kulang sa buwan, hinugot sa tae ng kalabaw... Mga ganun!” bulong ko sabay turo sa direksyon nila. Si Kevin ay pinaglalaruan ang pingpong ball samantalang nagkakalikot si Ivan sa cabinet na pinagkunan ni Blaire ng raketa kanina.

“Hey, listen. Have you forgotten our goal?”

“Anong goal? May soccer field din kayo dito? Magaling ka ba dun? Pano ako? Wala kong malalaro na sure win.”

“No, I mean, the main purpose of this vacation.”

Saglit akong pumikit at nag-isip. Bakit nga pala kami nandito?

“AH! Para pagbatiin sina Kevin at Vano.”

“Exactly. What we did a while ago was a progress, Leeanne. They worked together, right?”

“Oo nga! Ang galing mo talaga!” sabi ko at nakipagapir sa kanya.

“So, are we good?”

“Hell yeah!”

...................

Kakabog-kabog ang dibdib ko habang nagpapatong-patong na ang mga kamay namin para magkampihan. Billiards ang next game. Nakapaglaro na ako nito noon kasama ang mga pinsan ko pero wala akong napala kundi ang panlalait nila sa kabulukan ko sa paglalaro. Pinupusisyon ko pa lang ang katawan ko at inaayos ang plangketa ko’y hagalpakan na sila sa pagtawa sa’kin kasi muka daw akong tanga. Hindi rin ako marunong tumantsa ng anggulo. Ngayon ko lang napagtanto na walang kakwenta-kwenta ang mga pinsan ko. HAHAHAHA JOKE. Ayaw kasi nila ko turuan e. V(^o^)

Tuwang-tuwa si Kevin sa resulta ng kampihan samantalang parang sinakluban ng langit at lupa si Vano.

Ang resulta? KevLaire at VanLee.

“That’s right, baby. We shouldn’t be partners so I can win and win then you’ll keep on losing. That way, I will be the dominant and you will be my submissive.” Ligayang-ligaya si Kevin habang sinasabi ang mga iyon at umaakbay na naman sa’kin.

Gumuho naman ang mundo ko sa sinabi nya. Dominant at submissive. Yan ang mga terms na ginamit sa 50 shades kung saan ang dominant ay gagawing sex slave ang submissive. Muling nagflashback sa akin lahat ng nabasa ako at nanlambot ang tuhod ko. Alam kong hindi naman siguro ganun ang magiging consequence pag ako ang natalo pero talaga namang kumakalabog na ang puso ko sa kaba.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now