Dapat kasi nagkopong-kopong na lang e! Tama bang magkakampi si Kevin at Vano na parehong nakakuha ng 4.00 sa PE!?
Sige na. Kami na ang talo. Pero kahit ganon, masaya pa rin ako dahil nakakascore naman kami ni Blaire. Marunong din sya magtable tennis pero hindi ganun kagaling. Sa tingin ko ay magkalevel lang kami ng skills. Nakakahiya man sabihin pero kaya kami nagkakascore ay dahil sa pagdudupangan ng dalawa. Kadalasan ay nag-aagawan sila sa pagsalo sa tira namin kaya naman madalas silang magkatamaan ng raketa. Muntik pa nga silang magespadahan ng raketa nang nagkaservice ace kami nung nagserve ako.
“Alright, girls. We won. What do we gain?” at nabuhay na naman ang hambugrao hormones ni Kevin. -_-
“Eh di kayo na!” sagot kong naiirita kay Kevin.
“Baby, be sport.” Sabi ni Kevin sabay akbay sakin.
“Hands off.” Sabi ni Vano na tinabig ang kamay ni Kevin na nasa balikat ko.
Naalala ko tuloy yung sinabi nya kanina na iwasan ko na daw si Kevin, pero binawi nya yon at sinabing sya na lang daw ang maglalayo kay Kevin sakin. Eto na ba yun?
“What’s your problem, partner?” sabi ni Kevin at pinatong ang kamay sa balikat ni Ivan pero tinabig yun ni Vano.
“Cut it.” Walang ganang sagot ni Ivan.
“Oh come on.” Pagod na sabi ni Kevin at bumaling sa’min ni Blaire na nakaupo na sa couch. “We won. What do we get?”
“Wala naman tayong napag-usapan na prize ah?” sagot ko sa kanya.
“There must be something...”
“A consequence.” Biglang singit ni Ivan na nakasandal sa billiard table at nakapamulsa habang nakangiti ng nakakaloko. Great. Pagdating sa kalokohan, nagkakasundo sila ni Kevin. -______-
“That’s okay with me.” biglang sabi ni Blaire na ikinataas ng kilay ko.
“Huh? Unfair yun! Dapat kung gusto nyo ng ganyan sinabi nyo na bago pa tayo nagsimula! Rematch!” Reklamo ko na may kasabay pang pagpadyak ng paa.
“You have a point, Leeanne. But don’t you think it’s going to be fun? I don’t think they’ll urge us to do something unimaginable.”
“May point ka din, Blaire. Pero dapat kasi talaga kanina pa yun pinag-usapan. Kung nung una pa lang eh alam ko nang may parusa ang talunan, eh di sana ginalingan natin. Diba?” sabi ko na tinataas-baba ang dalawang kilay at nagpapacute kay Blaire. Gusto ko talaga ng rematch e.
“Even though you knew, you’d still lose.” Direktang sabi sa’kin ni Vano. So, hanggang dito ba naman nakikipagkumpitensya sya sa akin at ipapamukang kahit kelan ay hindi pa ako nanalo laban sa kanya?
“Are you simply disparaging us?” Blaire asked, arms crossed.
Lumapit ako kay Blaire at minasahe ang balikat nya.
“WOOOOH! Rematch na ituuuuu!”
“That’s just inequitable, baby. We’ve won already.”
Napatigil ako sa pagmamasahe nang biglang tumayo si Blaire at nagsalita.
“I’ve got an idea! Why don’t we just have a tournament? Every game, a point will be rewarded to the winning duo. The scoring will be done individually so that we can change partners for each game. The one who gets the highest score will punish the one who gets the lowest. What do you think guys?”
“Try me.” – Ivan
“If that would mean Ivan and I have one point each now, then I’ll be good.” – Kevin
ESTÁS LEYENDO
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----49th string-----
Comenzar desde el principio
