Ask.fm

140 2 3
                                        

Rain's POV

Matagal na akong may paghanga sa kanya. Nag simula iyon sa simleng pag stalk sa kaya sa facebook. Pa tingin-tingin sa kanyang mga larawan. Pa like-like sa mga status niya kahit walang kwenta. Pag follow sa kanya sa twitter at instagram. Pag kolekta sa mga candy wrappers na tinatapon niya sa daan.Pag kuha ng stolen shots niya tuwing kumakain siya sa cafeteria. Lahat narin ng accounts niya na may kaugnayan sa internet ay alam ko ang username ma pa Fb, twiiter, IG, kahit na DOTA account ,tumblr, at ang kanyang ask.fm.

Isang araw nag karoon ako ng isang pakakataon na makilala siya sa pamamagitan ng isang website - Ask.fm.

FACEBOOK

Alex Sandoval Posted:

Amboring -__- Tanong kayo dito!

Ask.fm/AlexSandoval

Ask.fm ano yun? Dahil sa na curious ako ay tiningnan ko kung ano yun.

Isa pala yung website na pwede kang mag tanong ng kung ano-ano, pwede kang mag register at pwede ang magtanog ng di ka niya nakikilala. Unknown ka lang kung sasabihin.

Marami na ang nag tatanong sa kanya roon, at marami ang nag co-confess.

"Akala ko ba, website to na puro tanong mula sa mga ibat-ibang tao, hindi pala." Sabi ko sa aking sarli.

Dahil sa napakaraming nagcoconfess sa kanya roon ay bigla na lang akong nalungkot sa dahilan na hind ko alam.Tsk. Malabo yata na ma abot ko siya, malabo na makilala niya ako at matandaan ako . Napaka labo. Masyadong imposible.

Sinarado ko nalang ang laptop ko at umupo sa kama at sinimulan tumugtog ng gitara.

Napaka senti ko na yata ngayon? Ganito ba mag mahal? Ang magmahal ng palihim na walang kasiguradohan.

Teka lang, ako si Rain Merced. Ang kilalang matapang na babae, Taekwondo varsity at isang tanyag na singer sa youtube ngayon ay naduduwa sa isang lalake? Parang di ko na nakikilala ang sarili. Ganito talaga ang mag mahal,minsan nawawala ka sa saril mo.

"Asan naba ang lakas ng loob ko?. . . . 

". . . . . . .  AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"

Sumigaw ako ng malakas at binuksan ang laptop ko at nag simulang mag type. HIdi ko namalayang tina-type ko na pala ang nararamdaman ko sa kanya. Teka, mali ito. Kung mag co-confess ako parang tumulad narin ako sa mga flirt na may gusto sa kanya, mga prakang malalandi.

Lalong sumakit ang ulo ko at tuluyan ko ng sinarado ang laptop at humiga sa kama at napag isipang matulog nalang.

1 AM ng magising ako at bumaba at nag hanap ng makakain. Nagiging baboy na talaga ako. Binitbit ko ang mga iyon at umakyat na. Habang kumakain ay na-aalala ko na naman siya. Siya na sikat. Siya na maraming nakakagusto. Siya na nag papangiti sa akin ng palihim. Siya na imposibleng abutin. Siya na pinapangarap ko. Siya na mahal na mahal ko. Siya na di ako kilala. At siya na di ako mahal.

Binuksan ko ang laptop ko at nag register sa ask.fm bilang "ULAN", sana naman ay walang makaka kilala sa akin nito. Yan ang patuloy kung panalangin habang nag ta-type.

Hindi ako sigurado sa tinype ko at pikit mata kong pinindot ang enter key.

"Virgin kapa ba?" Yan ang tanong ko sa kanya. Eh, sa wala akong ma isip eh. Nakakatawang tanong man pero yan talaga ang gsto kong itanong, Eh sa a curious ako eh. hahaha.

Nagulat ako ng may notification, tiningnan ko ito at namilog ang mga mata ko. Nag reply AGAD siya sa walang kweta kong tanong.

------------------------------------------------------

Virgin kapa ba?

"Oo naman! Peksman! hahaha! :D"

------------------------------------------------------

Nag tatalon ako sa tuwa,hindi dahil sa nag reply siya kundi ay VIRGIN PA SIYA!!

Simula ng madaling araw na yun ay inaraw-araw ko na siyang tinatanong at sinasagot naman niya ang mga ito.

Karamihan sa mga tanong ko ay tungkol sa kanyang sarili, kung anong mga hilig niya, mga ayaw niya, mga paborito niya, mga di makakalimutan na karanasan ng kanyang buhay, minsan kahit mga walang kwentang tanong mula sa akin ay pinapatulan niya. Ng dahil sa ask.fm ay mas nakilalala ko siya, ang buhay niya at ang totoong siya.

Minsan ay tinanong rin niya ako kung ba't kilala ko siya, saan ko siya na kilala, Anong tingin ko sa kanya, friends ba daw kami sa facebook at kung ano raw ang totoong pangalan ko.

Lahat ng mga tanong niya ay "Secret", "Basta", "Siguro" o di kaya " :) ", " :P " lang ang mga sagot ko sa kanya. Mas mabuti ng di niya alam, wala siyang alam. Kung makikilala man niya ako ayo ay wala ring mag babago, Ako pa rin si Rain na hindi niya mahal.

Isang makulimlim na araw na iyon sa aming paaralan, sumasabay na talaga ang panahon sa sakit na nararamdaman ko. Ang pangarap ko ay bigla nalang nag laho, kasama ang isang babae.

Umuwi ako ng bahay ng luhaan,di alam ang nararamdaman. Nawawala at siguradong nasasaktan.

Binuksan ang ko ang laptop ko at nag type.

Bukas ang mga mata, isipan at puso ko ng pinindot ko ang enter sa keybord. Sigurado ako ito ang nararamdaman ko para sa kanya. 

"Mahal kita, Alex"

Ilang mga segundo ang naka lipas ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pag bukas ko doon ay may biglang yumakap sa akin. Hindi ako sigurado kung totoo ito o baka naman na nanaginip ako ng gising pero masya ako at sa buong buhay ko ay naranasan kung mayakap ng taong mahal ko.

"Ang tagal kong hinntay na sabihin mo sa akin yan Rain. . . . . . . . . ."

Kasabay ng pagyakap niia ay nag si datingan ang mga kaibigan ko na alam ang storya ng lovelife ko at ang babaeng kasama niya kanina na ka holding hands. Nakangiti silang lahat,nakatingin sa akin, sa amin.

". . . . . . . . . . . . .  Mahal din kita Rain Merced."

Bigla niya akong hinalikan at pinakilala ang babaeng ka HHWW niya kaniana.

" I would like you to meet Sheena, my cousin. Sheena this is the Rain, ang babaeng mahal ko. Rain, This is all planed."

Ngumiti siya at yinakap ko siya.

Di ko alam anong sasabihin ko. Masaya ako at Mahal ko siya, yan ang sigurado.

-END-

___________________

 Hellow sa nag basa :) *KAWAY*KAWAY Thanks for the time reading! Hope you enjoyed :)

Ask.fmWhere stories live. Discover now