Chapter #1 Crush

12 0 0
                                        

"Audrey! Bilisan mo nga, para kang nag poprosiyon dyan. Baka malate tayo, alam mo naman na masungit yung Prof natin sa English for Acad ehhhh!"

Angal ni Aki sakin habang nakangiti akong nag tetext. Ang KJ talaga ng babaeng toh. Porket walang lovelife beastmode palagi. Hmmmm sabagay lagi naman syang ganyan dahil no boyfriend since birth yang si Aki.  😒

"Oo na!, hay nako pinanganak kang may regla no? Siguro nung ipinapanganak ka ni tita, yung dugo na lumabas sa panganganak nya ay galing sa regla mo"

Nakakunot kong sabi tsaka itinago na yung cellphone ko at sinabayan na syang maglakad. Katext ko panamanyun yung crush ko, kaya ayaw ko pa sana itago yung cp ko pero galit na si Aki. 😑

"Katext mo nanaman yung mayabang nayun Noh?"

Hindi naman sya mayabang ahhh. Tsaka hindi naman nya kilalay tao. Grabe talaga tong si Aki sasabihin lang nyay gusto nya, Napakaprangka. Sabi ko na nga ba kaya sya nagalit sakin hindi dahil sa mabagal ako maglakad ehhh. kung hindi dahil katext ko yung crush ko. 😑 Hindi ko nalang sya pinuna.

"Bakit? Selos ka lang ehhhh!"

"EXCUSE ME! Hindi ko gusto yung mayabang nayun! Mahal ko sya kaya AAgawin ko sya sayo OKEY?!?"

Sarcastic na sabi ni Aki kaya na tawa nalang ako sa isip ko at sinakyan ang biro nya. 😄

"Sabi ko na nga ba e! May tinatago kang feelings para sakanya at na i insecure ka sakin"

hihirit pa sana sya nang maglakad ako ng mabilis at nag sway ng buhok sa harap nya 😏

"Taray tarayan lang ang peg?"

andito na pala kami sa room. papasok na sana ako ng deretsyo nang makita ko ang crush ko. Huminto ako sa pinto at parang tangang nakatitig sakanya. Bakit hindi nya nabanggit kung saang section sya? Papasok na sana si Aki ng hinarang ko sya ng braso.

"Ano nanaman ba yang drama mo?!"

hindi ako nagsalita, sa halip tumingin lang sya sa taong tinititigan ko. Kasi naman sa FB ko lang sya nakilala, hanggang sa hingin nyay number ko. Hindi ko pa sya nakikita ever in person. Kaya attracted ako sakanya ng sobra. kahit naka 250° yung muka nya mula sa kinatatayuan ko alam ko na sya talaga yon. 😮😍

"OMG! Classmate pala natin yang mayabang nayan"

Hinawi nya yung kamay ko at pumasok na sa loob. Sinundan ko si Aki pero nakatingin parin ang mga mata ko sa kanya.😮

"Dun tayo sa likod"

Tipid na sabi ni Aki at nagpunta na nga kami don. Walang gaanong pumapansin sa crush ko kahit sikat sya sa school namin. Siguro dahil sa ugali nya. Hindi kasi siya nakikipag usap sa tao na hindi nya ka close. Tapos mga artistahin pa yung mga tao dito dahil high section kami. 😧

"Pwede ba? Tigilan mo nga yang kakatitig sa mayabang nayan? Feeling naman nya artista na sya sa lagay nya nayan? E wala ngang kumakausap sa kanya ehhhh"

"Thats why I like him. Ang daming bagay na dapat kong ika inis sa kanya pero may isang dahilan kung bakit hindi ko yun magawa. Iyon ay dahil Gusto ko sya."

"Lande lang yan"

she chuckles. what so funny about saying your feelings? Bruha talaga tong babae na to 😒

"Nakakatawa. Atlis May kulay yung buhay ko hindi katulad mo palaging black and white"

"Atlis virgin pa e ikaw ba? Virgin ka pa ba?"

Natahimik ako sa sinabi ni Aki. Na alala ko si Mark siya ang pinaka unang boyfriend ko sa limang ex ko. Minahal ko si Mark ng sobra at binigay ko lahat sakanya. Wala syang ni isang sumbat na narinig mula sa akin pero hiniwalayan nya ko. Mas mahalaga parin kasi sa kanya yung ex nya. Yung babaeng minahal niya na mas higit pa sa buhay nya. Bakit? Ganun din naman ginawa ko ahhh? Bakit ang unfair nya? Ginawa nya kong rebound. Almost a year nang makapag move on ako sa kanya. simula noon naging matatag ako at sumumpa sa sarili ko na hinding hindi ako iiyak pa sa isang lalake. Hindi ko sasayangin ni isang patak ng luha ko para sa isang lalaki. 😟😔😳

What If?Where stories live. Discover now