ikaw lang pala

6 0 0
                                    

Ikaw lang pala ang magpapasaya
Sa pusong sakbibi ng kalungkutan
Ikaw lang pala ang makakakita
Sa matang puno ng lumbay at pagtangis
Ikaw lang pala ang bibihag sa mailap kong damdamin
Sana ikaw na lang pala ang ninais makapiling

Sa bawat mong paghawak saking kamay
Pusong lumulundag at humihiyaw
Sa bawat mong pagtitig damdamin ko'y natutunaw,
Sa bawat mong paghaplos nahahapo ng kaligayahan
Ikaw lang pala ang magpapalaya sakin sa kadiliman

Ikaw lang pala ang  magpapatingkad
Sa mga  araw kong puti at itim lamang
Ikaw lang pala ang mag-uugnay sa piraso ng puso kong gutay gutay
Mahal ikaw lang pala, ikaw lang ang kailangan sa buhay
Ikaw lang,ikaw lang, basta kasama ka hanggay mamatay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw lang palaWhere stories live. Discover now