[41] The Root of All Evil (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Matapos kausapin ang pinakamataas na opisyal ng pulisya, may sunod na tinawagan ang heneral.

"Chief Martinez, kumusta ang sitwasyon diyan?" tanong nito.

"May nakadeploy ng bente katao sa paligid ng pinagdalhan kay Captain Valdemor. Hindi pa natin mainfiltrate ang lugar sapagkat hindi pa matiyak ang lagay ni Captain Valdemor sa loob. Wala na kaming natanggap na report mula sa spy, mukhang hindi na ito makahanap ng tiyempo para gumamit ng telepono. Isa pa'y di pa rin namin makita ang anino ng mastermind. Kailangang mahuli namin ito sa akto para siguradong diretso na ito sa kulungan."

"Blake will be meeting the kidnappers and definitely he will be brought there to execute their plan. Pagdating niya tiyak na mahahati ang atensiyon ng mga kriminal sa pagsasagawa ng plano nila kaya't may pagkakataon na si Captain Valdemor at ang spy na dumiskarte. That time get ready to attack."

"Yes, general. We're just one kilometer away from the place. Naghihintay lang kami ng signal mula kay Captain Corpuz. He's the one heading the twenty men."

Nagpalitan ang magkausap ng opinyon para maisagawa ng tama at malinis ang pag-atake sa lugar. Pagkatapos ng seryosong pag-uusap ay humugot ng isang malalim na buntong-hininga si General Valdemor.

"Chief Martinez, please save Blake and my granddaughter," pahabol na bilin nito nang puno ng pag-aalala.

"General, you don't have to tell me that. I treat Alex as a daughter too, not just me but all of us in the team sincerely cares for her. We are willing to do our best to save her and Mr. Monteverde. And a police officer as skilled as your grandaughter, I have huge faith that she'll get out of this situation unharmed."

"Thank you. By the way, Chief Martinez. We'll be on our way there."

"B-But you don't have to come here. You're health is not in a very good condition now."

"Huwag kang mag-alala kaya ko pa. I can still hold a gun if needed. Besides, I'm bringing an important weapon with me," sabay tingin ng heneral kay Tyron mula sa salaming dingding.

"I'm going with you. I want to be there in case I need to negotiate to that man in behalf of my grandson," wika ni Don Henry na diing-diin ang pagkakasabi sa salitang 'that man' pagkatapos ibaba ni General Valdemor ang telepono. "Prepare the car. We're leaving now," seryosong utos nito sa mga naiwang bodyguards ng apo.

"Sasama rin ako Papa. Gusto kong may maitulong din sa pagliligtas sa anak ko," salita ni Ginoong Lauro.

"Just stay here. Your wife and your son also need someone who can give them strength right now," sagot ng matandang heneral.

Bandang alas siyete ng gabi ay nakatanggap na ng report ang leader ng private investigation team ni Blake mula sa spy na nakasama sa lugar ng pinagdalhan kay Alex. Inireport din sa lider kung ano ang mga dahilan at kabuuang plano ng pagdukot sa dalagang pulis.  Sa halip na ipaalam kay Blake, mas piniling sabihin ng leader kay Don Henry at General Valdemor ang tungkol sa napakaimportanteng impormasyong natanggap. Matapos himayin ang buong sitwasyon napagtanto nilang ginagamit si Alex ng mga kidnappers upang mapapunta mismo nang mag-isa si Blake sa lugar na pinagdalhan sa babae. Na si Blake ang sadyang pakay ng mga kriminal.

Maaga pa lamang ang gabi at habang naghihintay si Blake sa tawag ng mga kidnappers, walang kamalay-malay ang binata na nakikipagmeeting na pala si General Valdemor,Don Henry at ang leader ng sariling investigation team para planuhin ang pag-atake sa mga kidnappers. Pinili nilang huwag ipaalam sa binata at sa ina ng dalaga ang totoo sapagkat alam nilang hindi sasang-ayon ang mga ito sa kanilang plano. Lalo na si Blake, isasakripisyo nito ang sariling kaligtasan para sa kapakanan ng kasintahan. Kagaya nga ng ginawa nito ngayon, hindi sila nagkamaling nakahanda itong makipagkita ng palihim sa mga kriminal ng walang anumang planong nakahain.

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Where stories live. Discover now