"Dugo, dugo, dugo!" Halos lumuwa na ang aking mata sa gigil at tuwa sa nagtatalsikang dugo sa katawan ng isang babae.
"TAMA NA! PARANG AWA MO NA! WAG! AYOKO NA!" pagmamakaawa ng babae.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas lalo pa akong natutuwa at ginaganahan.
"HAHAAHAHAHAH!" Tawa na lang ang aking naging sagot sa kaniyang pag mamakaawa
"t...tulong" mahinang bulong ng babae na nagpatigil sakin sa pagsaksak.
Biglang may imaheng lumabas sa aking alala.
"anong sabi mo?" nakabungisngis kong tanong sakaniya at nilapit ang tenga ko sa bibig niya.
Halatang hinang hina na siya, at mas lalo pa akong natuwa.
"t...tulong" ramdam ko ang mabibigat na hinga niya at hinampas niya ng marahan ang aking dibdib ng kaniyang kamay na may dugo,dahil na rin siguro sa malapit na siyang mawalan ng hininga kaya nanghihina na siya,pero marami pa kaming gagawin kaya hindi muna pwede.
"Akala mo ba may tutulong sayo? HAHAHAAHAH,wag ka ng umasa! tayong dalawa lang ang na'n dito!" Sigaw ko sa mukha niya at hinimas niya ang aking mukha gamit ang madugo niyang kamay kaya naman may dugo narin ang mukha ko. Napatalon ako sa tuwa dahil sa amoy ng dugo.
Halos mabaliw ako at mas lalo pang nang gigil sa kaniya kaya naman sinaksak ko ulit siya. Paulit ulit kong ginawa,hanggang sa mawalan na siya ng buhay pero hindi ko namalayan hanggang sa napagtanto ko na lang sa aking sarili na wala na siyang imik at dun ako natauhan.
"Huh? bakit hindi na siya umiiyak? bakit hindi na siya nagmamakaawa? ba...bakit? BAKIT!? BAAAAKIIIT?!" Asar na sigaw ko at kasabay ng pag alog alog ko sa katawan niya.
" Bakit hindi parin siya nagigising? " bulong ko sa aking sarili at tumayo. Sinipa ko ng malakas ang katawan ng babae at lumabas lang mga dugo nito galing sa mga sugat na kanina kong sinaksak sa kaniya.
"Hoy!" Inis na sigaw ko.
"HINDI KA PWEDENG MAMATAY AGAD! MARAMI PA TAYONG GAGAWIN! HOY! BABAE! TUMAYO KA DIYAN! TAYO!" pero walang nangyari, nakahiga parin ang babae sa kaniyang sariling dugo.
Sa sobrang inis, ginilitan ko siya sa leeg gamit ang kutsilyong kanina ko pa pinagsasaksak sa kaniya. Umupo ako sa tiyan niya at paulit ulit ko siyang pinagsasaksak.
"SABING TUMAYO KA DIYAN! TAYO!" Paulit ulit ko lang siyang sinasaksak habang sumisigaw hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Tumayo ako at iniwan ang hindi ko kilalang babaeng nakahiga sa sarili niyang dugo at halos hindi na makikilalang babae dahil sa mukha at katawan niyang puro saksak at lasog lasog.
"Next victim"
YOU ARE READING
Diary ng Serial Killer
HorrorSa hindi ko malamang dahilan, dugo ay aking nagustuhan, laman ay aking hinangaan. Bawat sigaw at pagmamakaawa ay tila isang musika sa aking tenga. Bawat tama ng aking kutsilyo sa inyong katawan ay isang napakagandang pakiramdam. Ang takot at hira...
