N. W. B. D.

0 0 0
                                        


When you've been sky high,
there's one path left to go -
d o w n ⬇

N O  W A Y  B U T  D O W N
by:
YodaLoka



T R A I L E R:

"Ano ba ang gusto mo?! Pera?
Bibigyan kita! "
Desperadong sigaw ng Senadora habang naka-luhod sa harapan niya.
Umaagos ang pulang dugo nito sa ulo, at ang suot nitong mamahaling damit ay punit at punong puno ng dugo.

"Sabihin mo kung magkano. B-bigyan kita, w-wag mo lang ako p-patayin."
Sabi nito at hinawakan ang tuhod niya. "Maawa ka sakin."
Sabi nito sa mahinang boses.

Dahil sa nakikita niya ngayon ay hindi niya mapigilang mapangite.
This is what she's been waiting for. Ang lumuhod ito at magmakaawa para sakanyang buhay.

Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ng ginang. Dinala niya ito sakanyang noo at nagmano. Dahan dahan niyang binaba ang kamay ng Senadora at ngumite sa babae.

"Di mo ba ako naalala, ninang?"
Sabi niya at tinangal ang itim na sombrero sakanyang ulo.

"Ang inaanak mo 'to." Sabi niya ng matangal na ang sombrero.
Kitang kita niya kung paano lumaki ang mga mata ng ginang at bumuka ang bibig nito ngunit walang salitang lumalabas sa bibig nito. Tumutulo ang mga luha nito, at nanginginig ito sa takot.

"Ninang? Nandito po ako para maningil."
Sabi niya at tumayo.

"Nakita ko kasi sa listahan ni papa, may utang ka sakanya."
Unti-unti niya kinuha ang patalim na naka-ipit ng mahigpit sa hita niya gamit ang isang strap at ipinakita ang kutsilyo sa Senadora.

"Hindi ako inutosan ni papa, nabalitaan mo naman siguro diba?" Tanong niya sa babae at tiningnan ito sa mga mata.
"Patay na siya." Mapait niyang sabi. Dahil sa sinabi niya ay mas lalong nanginig ang babae at mas lalong lumakas ang iyak nito.

"Kaya nagkusa ako. Maniningil ako, at mag-uumpisa ako sayo."
Sabi niya at pinadaan ang patalim sa leeg ng babae.

Agad ma umagos ang dugo nito sa sahig, hangang sa unti-unti itong napahiga sa sahig at binawian ng buhay.

Nang makita niyang hindi na ito humihinga ay itinapon niya ang patalim sa gilid. Tinangal niya ang itim na gloves at kinuha ang maliit na notebook at bullpen sakanyang bulsa.

Binuksan niya ang notebook at hinanap ang pahina na may mga nakalistang pangalan. Nang makita na niya ito, ay minarkahan niya ng 'x' ang pangalan ng kanyang ninang.

Senator Feliziana Nechledon ❌

"One down, six more to go."
Sabi niya habang naglalakad palabas ng opisina ng ginang.

N O  W A Y  B U T  D O W N Histórias para pegar e não largar. Descubra agora