Chapter 1

1.6K 48 14
                                    

Ronnie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ronnie

Madaling araw pa lang ay gising na kami ni tatay Goryo. Para magluto ng mga paninda sa kainan mamaya.

"Tay, Bakit kaya hindi tayo maghire ng isa pang kasama natin dito?" takang tanong ko kay tatay. Mahirap na din ksi ang trabaho dito. Lalo na't marami din kaming customers. Mahirap na magserve na dadalawa lang kami.

"Sa tingin mo ba may pagkakatiwalaan pa tayo?" pabalik niyang tanong. Ilang beses na din kasi kami dating naghanap ng mapagkakatiwalaang magtratrabaho dito pero lahay sila pag nalaman ang sikreto natatakot o di kaya'y mag susumbong sa mga awtoridad. Kaya bago pa man iyon magawa ay pinapatay nanamin sila at iluluto.

"Bakit di kaya natin itry ulit tay?" kinuha ko ang isang supot ng karne mula sa aming ref. At simulang hinugasan yon. Habang kausap si Tatay.

"Sige pag iisipan ko anak. Bakit hindi mo na ba kaya ang trabaho dito?" tawang tanong niya.

"tay, nakakapagod din kaya at andami nanating customers dito. Baka di na natin kayanin pag lalo pang lumago yon" 

"Sige pero isa lang ang pwede nating kunin dito. Mahirap na baka mabuko tayo" matapos kong hugasan ang karne ay binigay ko iyon kay tatay para lutuin na niya.

Si tatay ang nagluluto dito sa kainan. Dati siyang International chef. Pero naisipan niyang magtayo ng kainan.

"tay dun na lang ako mag aayos ng upuan at mesa" paalam ko sakanya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at dumiretso na nga doon at naglinis.

------------

Sheila

"Ma! Aalis na po ako" paalam ko kay mama. Bago ako lumabas ng bahay. Maghahanap ako ng maaring sideline or part time job. Hindi naman kasi kami mayaman. Ang mama ko ay nagtratrabaho bilang Labandera sa mga kapitbahay.

At wala na akong papa. Mayroon akong isang kapatid si Myrna. Na nasa Gr.5 na. Malapit na akong grumaduate sa highschool. At siguradong kakailangan namin ng malaking pera para sa tuition fee ko. At alam kong kukulangin ang kinikita ni mama sa kanyang paglalaba.

"Sige anak, mag-iingat ka" at agad nga akong umalis at naglakad papunta sa pinakamalapit na sakayan ng tricycle.

"Kuya dito po sa may Kainan ni Tatay Goryo" nasabi kasi ni Shaina sakin na may job offering daw ang kainan na yon.

Kaya magbabakasakali ako. Baka lang naman. Kilala rin kasi ang kainan na yon sa mga masasarap na pagkain nila. Nagtataka nga ako at muli silang nagjob offer kasi sa pagkakaalam ko ay dalawa lang silanv nagtratrabaho don.

"Bayad po" inabot ko ang bayad ko at bumaba na ako sa tricycle.

Pagbaba ko ay bumungad sakin ang typical na itsura ng mga kainan.

"Kuya, nasan po manager niyo dito?" tanong ko sa lalaki na nagtratrabahao yata dito.

"Bakit miss?" takang tanong niya saken.

"mag-aaply po sana ako bilang waitress"

"sige, sandali tatawagin ko lang siya"
at agad siyang tumakbo papasok sa kusina.

Agad din naman siyang bumalik kasama ang lalaking medyo may katandaan at medyo mataba rin. Matangkad at nakakatakot ang istura.

"Good morning po sir" nagbow ako sakanya bilang paggalang.

"sige po tay maiwan ko na kayo" nagpaalam ang lalaki kanina at agad ng umalis.

"anong sadya mo?" tanong niya.

"maga-apply po sana ako" tumango siya at tila nag-iisip.

"sige pero mayroon tayong konting kasunduan dito"

"sige po! salamat po" ngumite ako tandang hindi ko na talaga mapigilan ang paglabas ng aking tuwa.

"sumunod ka saken" naglakad siya papasok sa kusina kaya't agad ko siyang sinundan.

"umupo ka" umupo ako sa isang upuan sa may mesa roon.

"Konti lang naman ang kasunduan nito. Una ang gagawin mo  lang ay magserve, maghugas ng plato, at maglinis na rin ng tables. Pangalawa ang sweldo mo ay kada buwanan, pang apat ay wag na wag kang papasok sa kwarto na iyon. At ang pang huli walang magsusumbong sa kung ano man ang maari mong malaman" huh? ano bang maari kong malaman? agad akong nacurious na itanong pero wag na lang.

"sige po. Kaya ko naman po iyang sundin lahat" ngumiti ako.

"pwede ka ng magsimula bukas"

"salamat po" tumayo ako doon at lumabas na.

Habang naglalakad ay muli kong naisip ang mga kundisyon niya. Agad nabuo ang mga tanong ko sa isip ko.

"bakit bawal pumasok don?"

"ano yung pwede kong malaman?"

"bakit bawal magsumbong?"

Haist! hayaan mo na yon Sheila ang mahalaga may trabaho kana!

Buti na lang at summer na at Gr. 12 na ako next school year. Gragraduate na ako at sana palarin para makakuha ng scholarship sa colehiyo.

Sumakay ako ng tricycle pauwi ng bahay.

Nung makarating na ay agad akong bumaba at nagbayad.

"Nay! andito na po ako" tawag ko kay Mama.

"San ka ba galing huh? Gumala ka ba? Alam mo naman na kailangan nating magtipid"

Inilagay ko ang bag kong maliit sa maliit naming sofa. Hindi naman ganun kalakihan ang bahay namin pero pwede na at maayos naman.

"Nay diyan lang sa may kaklase ko" naguilty ako sa pagsisinungaling ko pero kailangan ayaw kasi ni mama na magtrabaho ako.

Siguro ay sa pride nya? Pero hayaan na ang bukas.

Sana kayanin ko!

Sana kayanin ko!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-----

A/N: haha walang thrill sa una lang yan

Kainan ni tatay goryoWhere stories live. Discover now