Ikaw Pa Rin

140 5 2
                                    

   Si Stephany ay isang anak mahirap at ulila na sa ama.Salat man sa yaman ngunit nakatapos siya ng pag-aaral.Nagpursige siya sa kanyang buhay para na rin sa ina niya.Gusto niya maiahon ang buhay nila sa hirap.
   Dumating ang pagkakataon na naging empleyado siya sa isang kompanya sa kanilang lalawigan.Naging masipag siya sa kanyang trabaho.Dito niya nakilala si Brian na may singkit ang mata,matangkad,maputi,matangos ang ilong,may mapupulang labi,nakakahumiling smile,may matipunong katawan at mahaba nitong legs.Si Brian ang presidente nila sa kompanya.Halos lahat ng mga babaeng empleyado ay siya ang pinupuri.Di alam nila na engage na pala ang boss nila.
   Iba sa mga mayayamang lalaki si Brian,hindi siya babaero.Unang kita niya kay Stephany ay parang panaginip.Nagustohan niya agad ito.
   Naging secretary ni Brian si Stephany.Naging maganda ang samahan nila.Maraming pagkakataon na silang dalawa ang magkasama.Tuluyang nahulog si Brian kay Stephany.Crush naman ni Stephany si Brian pero hanggang dun lang yun dahil si Alfred lang ang laman ng puso niya.
   Isang araw,nagkita sina Alfred at Stephany mismo sa kompanya ni Brian.Nagkaroon sila ng pagkakataon na lumabas at matagal nga palang plinano ni Alfred na gumawa ng ligaw kay Stephany.Hindi nagdadalawang-isip si Stephany at sinagot niya si Alfred.
   Nalaman ni Brian na may relasyon sina Alfred at Stephany.Nasaktan siya ng sobra pero hindi yun ang hadlang para mawala ang pinagsamahan nila.Pinagpatuloy pa rin nila ang magandang pagkakaibigan.
   May mahalagang trabaho sina Brian at Stephany sa Manila.Mga ilang buwan rin sila dun pumalagi.Dun rin nalaman ni Stephany na engage itong si Brian.Sa Manila nalaman ni Stephany na nagbago ang buhay ni Alfred.Maraming nangyayari doon sa Manila.Maraming mga kaabang-abang na mga tagpo na yumanig sa dalawang bida,sina Brian at Stephany.

Ikaw Pa RinWhere stories live. Discover now