Napalunok ako kahit nanunuyo ang aking lalamunan. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko pero hindi ko talaga kaya. Bakit hindi ako makagalaw?!

"Kirsten..." Napapaos niyang wika ng kami na lamang dalawa sa loob ng silid.

Inangat niya ang kaniyang katawan hanggang sa magpantay ang mukha naming dalawa. Tinitigan niya ako diretso sa aking mga mata.

Nangilid ang mga luha ko at pilit binabasa ang nakatagong expression sa likod ng malamyos niyang mga mata.

"Dark cane...." Bulong ko sa pangalan niya.

"Natutuwa akong marinig muli ang boses mo mahal ko..." Aniya atsaka hinaplos ang mukha ko. Napapikit ako sa kaniyang ginawa. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga haplos niya. "Uminom kana mahal ko...alam kong nauuhaw kana." Napamulat ako ng mga mata ng itapat niya sa bibig ko ang kaniyang pala-pulsuhan.

Tumulo na ang aking mga luha. Mula nang magkahiwalay kami ay hindi ko na muling natikman ang kaniyang dugo. Kaya pala kapag umiinom ako ng dugo ay hindi makuntento ang aking panlasa, hinahap hanap pa rin pala ng aking puso ang tamis ng kaniyang dugo.

"Ganyan nga mahal ko...." wika niya nang ilabas ko ang mga pangil ko at kinagat sa pulsong nakatapat sa bibig ko. Sinipsip ko iyon na parang isang uhaw na sanggol. "Kumuha ka ng lakas sa'kin. Gamitin mo ang dugo ko upang manumbalik ang iyong lakas..." Sabi niya pa.

Napatingin ako sa kaniya, namumula ang mga mata. Naramdaman ko ang paghaba ng mga kuko ko sa kamay ng iangat ko ito papunta sa dibdib niya. Binitawan ko na ang pulso niya atsaka ko siya hinila palapit sa 'kin.

Pinulupot niya ang dalawang kamay sa baywang ko atsaka ako hinapit palapit sa kaniya. Nagkatinginan kami at nag-ngisian. Pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa kaniyang leeg at hinila lalo palapit sa'kin 'tsaka sinunggaban ang kaniyang mamula mulang mga labi.

Kapwa nagliliyab ang aming mga mata habang dinadama ang ritmo ng magkadikit naming mga labi. Kinagat ko ang ilalim ng labi niya atsaka sinipsip ang dugong lumalabas doon.

Ang tamis.

"Mahal ko...." Ungol niya nang bumaba ang mga pangil ko sa kaniyang leeg at doon na naman kumagat.

Hinagod niya ang likod ng aking ulo na para bang sinasabi niyang ipagpatuloy ko lang ang aking ginagawa.

Napangiti ako at hinihingal na nag-angat ng tingin sa kaniya. Sinalubong niya naman kaagad ang mga mata ko at seryosong pinunasan gamit ang daliri ang gilid ng labi ko.

"Hindi ko alam na uhaw na uhaw ka na pala sa'kin mahal ko..." Sabi niya nang hawiin niya ang buhok kong humaharang sa aking mukha.

Tumango na lamang ako at binagsak ang ulo sa kaniyang dibdib. Naka-kandong na pala ako sa kaniya habang naka-suporta naman ang mga kamay niya sa aking likod.

"Malapit nang maayos ang mga nasira ko kirsten. Kaunting panahon nalang ang hihintayin natin." Aniya habang hinahaplos ang aking buhok.

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Ngayong alam ko na ang lahat ay parang nawalan na ako ng lakas na isisi sa kaniya lahat. Ginawa niya lang naman ang lahat ng iyon ng dahil sa'kin. Ginawa niya lahat dahil nagsinungaling ako sa kaniya na gusto kong maging bampira...na ang totoo ay hindi ko pa talaga alam noon kung gusto ko nga ba talaga.

Lahat binigay at sinakripisyo niya para sa'kin. Samantalang ako, wala nang nabigay sa kaniya kundi sama ng loob. Wala akong nagawang mabuti para sa kaniya. Puro sakit at kasalanan lamang ang hatid ko sa kaniya.

"Mahal ko..." Inangat niya ang aking mukha. "Payag ka bang samahan ako sa darating na laban?" Mahinang tanong niya.

Tipid akong ngumiti at tumango. Kahit anong laban na kasama ka ay payag akong harapin. Basta ba nasa tabi lang kita.

Yumakap ako sa kaniya. Sana hindi na matapos ang araw na nayayakap ko siya ng ganito. Sana hindi matapos ang mga araw na malaya ko siyang nahahawakan.

At sana mapagtagumpayan namin ang labang haharapin naming dalawa.

"ANONG kapalit ang hiningi niya?" Seryosong tanong niya nang dalawin niya ako sa aking silid.

Umiwas ako ng tingin. "Si jiro...." Mahinang sabi ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya.

Napasinghap ako at nangilid ang aking luha sa gilid ng mga mata. "Gusto niyang makuha si jiro. I-Ipinagpalit ko ang buhay ng dati kong kaibigan para maibalik ang dating buhay na ninakaw sa'tin ng sumpa, kuya." Tumulo ang mga luha ko pero agad ko rin itong pinalis. "Pakiramdam ko....nag-traydor din ako sa kaniya...." Hikbi ko.

"Matagal mo na siyang hindi kaibigan...." aniya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sa puso namin...alam kong mag-kaibigan pa rin kami. Sigurado akong kamumuhian niya ako kuya!" Napahagulgol ako.

"Kirsten...." Nilapitan niya ako at niyakap. "Maiintindihan ka rin niya..." Sabi niya.

Napailing nalang ako. Niloko na siya ng tatay niya noon hanggang ngayon, ayokong pati ako ay maisip niyang nagtraydor sa kaniya. Sana maintindihan niya ang gagawin ko.

Dahil sa pakikipag-kasundo ko sa prinsesa ng mga elemento ay naging maayos na ang lahat. Nawala na ang sumpa sa'min ni kuya at mas lalo kaming lumakas.

Ang problema ko nalang ngayon ay ang digmaan at si papa....kailangan ko siyang makuha mula sa hari ng dilim.

"Dalawang gabi nalang ay darating na ang nakatakdang digmaan. Sabay sabay tayong mag-handa kirsten..." Bulong niya ng mahimasmasan na ako.

Tumingala ako sa kaniya at pagod na tumango. Paghahandaan ko talaga ang araw na mahaharap ko na ang dahilan ng lahat ng kaguluhan ngayon. Hindi ko na siya ikukulong tulad noon dahil sisiguraduhin ko na hindi niya na muling magagambala ang aming pamilya.

Papatayin ko siya.

Papatayin ko ang hayop na iyon! Sisiguraduhin ko na magbabayad siya.


Susunod na ang pinaka-inaabangang labanan 😂 comment your thoughts and questions!

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon