Miss Kita

4 0 0
                                        

Naiintindihan ko ang sitwasyon mo
Mahirap pero kakayanin ko
Para sayo at sa relasyong ito
Ikaw at Ako sa LDR ay hinding hindi papatalo

Minsan di na kita nakaka-usap
Kaya puso ko ikaw ay laging hanap hanap
Nami-miss na kita "suuuuubra"
Pero kelangan ko talaga maging understanding at pasensyosang jowa

Sa puso ko malaki ang puwang mo
Walang araw na  sa isip ko ika'y nawawala
Masaya akong  minamahal ka
Kaya ang pagka miss ko sayo ay sobrang malala na

Miss KitaCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang